^

Pang Movies

Cherie, inalala ng anak nung Valentine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Cherie, inalala ng anak nung Valentine

Nakaka-touch naman ang anak ni Cherie Gil na si Raphael Rogoff. Ito ang unang Valentine’s Day na wala ang kanyang ina kaya inalala niya ito at tinawag itong kanyang ‘rose, light, love, at forever Valentine.’

Kaya naman marami ang naka-miss sa aktres nang alalahanin siya ni Raphael sa pamamagitan ng pag-post ng photo at videos nila. Parang nabubuhay pa rin daw ang showbiz legend sa video kung saan kasama nito ang mga anak. Pinusuan ito ng mga tagahanga at nanghihinayang pa rin sa pagkawala nito.

August noong 2022 nang mamayapa si Cherie sa edad na 59. Noong October 2018 naman nang ma-diagnose ito ng rare form of endometrial cancer. Marami ang nagulat nang pumanaw ito dahil naging tahimik lamang ang pakikipaglaban nito sa sakit.

Isa siya sa naging malaking kawalan sa Philippine showbiz industry sa galing nito sa pagiging kontrabida na kilala bilang La Primera Contravida.

Samantala, bukod kay Raphael, may isa pang anak si Cherie na si Bianca sa Israeli violinist na si Roni Rogoff, at isa naman kay Leo Martinez na si Jay.

CHERIE GIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with