^

Pang Movies

Ate Vi, apat na oras nagpa-interview!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dahil sa magandang feedback ng 60th year special ni Vilma Santos, umandar na naman ang inggit ng iba at sinasabing “kaya rin iyan ng idol namin.” Eh sino ba naman ang nagsabing hindi, pero subukan nga ninyong ipa-interview iyan nang apat na oras tuluy-tuloy kung ano ang masasabi niyan?

Bihira ang artista na makakasagot sa lahat ng tanong na ibinabato sa kanya nang sunud-sunod nang ganoon katagal. Siguro masasabi nating kaya lang nagagawa iyon ni Ate Vi ay dahil sa malawak niyang karanasan sa kanyang naging gawain. Lahat kasi ng maaaring gawin sa entertainment nagawa ni Ate Vi. Isa na nga lang ang hindi niya nagagawa, iyong magdirek ng pelikula na balak rin niyang gawin ngayon.

Bukod sa pagiging artista, siya iyong may malawak na karanasan sa kanyang kapwa tao, dahil hindi lang siya artista kundi isang public servant din.

Alam ba ninyo na sa March 3, si Ate Vi ay isa sa speakers sa isang forum tungkol sa pamilya na binuo ng simbahan? Makakasama niyang speakers sa nasabing forum sina Rev. Fr. Dale Anthony Barretto Kho ng St. Joseph The Worker parish sa Lipa, na siyang parokya rin ni Ate Vi, at si Archbishop Gilbert Garcera ng Archdiocese of Lipa. Ang makakasama nila sa forum ay mga lider ng simbahan mula sa buong Luzon. Big time iyan. Kaya ba iyan ng idol ninyo?

Mga vlogger, ginagamit ang mga kontrobersiya para pag-usapan?!

Aywan kung ano pa ang mukhang inihaharap ng mga vlogger na nagsabi noon na hiwalay na si Heart Evangelista sa kanyang asawa, dahil sa nangyayari ngayon na tuwirang nagsasabing ang ikinakalat nila noon ay fake news. Noon pa naman sinasabi na na­ming fake news iyan, at sinasabi pa nga raw ng isa sa kanila na “laos na ang source” namin kaya ganoon ang sinasabi namin. Sino ngayon ang may bulok na source?

Kasi iyang mga iyan, nagbabasa lang naman ng columns ng mga lehitimong entertainment writers mula sa mga lehitimong diyaryo. Tapos gagawa na sila ng content mula sa pictures o video na nadampot din nila kung saan. Papatungan nila iyon ng kanilang mga boses na kadalasan naman hindi kaaya-ayang pakinggan. Pero may nabobola sila, at dahil doon pinagkakakitaan nila kahit na fake news. Eh sa lehitimong diyaryo, subukan mong magpasok ng fake news kundi tanggal ka agad, at malamang makasama ka na lang ng mga blogger kinabukasan.

Mapapansin din ninyo, iyang mga vlogger maraming controversy lagi, kasi kung hindi naman ganoon papaano sila mapapansin? Ang daming lehitimong diyaryo, tapos iyong TV panay pa ang entertainment news tungkol sa kanilang stars at shows.

Sino pa ang manonood sa mga blogger na karamihan ng istorya ay fake news.

Bukod diyan, ano pa? May findings na lumabas sa mga lehitimong medical journals sa US na iyang pagbababad sa harap ng computer o cellphones ay malakas makasira ng inyong mga mata nang limang ulit kaysa sa normal.

Sige magbasa pa kayo ng mga fake news.

Bagets na mahilig sumabit, iniwasan ng direktor

Ang kuwento ni direk tungkol sa isang bagets na nangangarap maging artista, “aba tumawag ba naman sa akin, nagyaya ng date tapos ang sabi dagdagan ko raw ang bayad sa kanya. Sabi ko nga hindi na.”

Si bagets daw ay matagal nang may ambisyong maging artista, pogi naman, pero natuklasan nga ni direk na kung kani-kanino na iyon sumasabit. Iwas na si direk. Isipin nga naman ninyo, tuwing papasok siya sa studio kailangan niyang magpa-antigen, eh kung makikipag-date siya sa ganyang tao, baka isang araw hindi lang COVID ang makita sa kanya. Kailangan mag-ingat din.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with