TVJ, may bagong tahanan

TVJ

Ang bongga ng announcement kamakailan ni NET25 President Caesar Vallejos sa piling media. Bukod sa mga newly-launched shows ngayong 2023, abala rin ang network sa pre-production stages ng mga bagong palabas.

Kasama rito ang launch ng public affairs program ni Sen. Tito Sotto, ngayong February entitled Reality Check.

“Ipinangako namin na for Tito, Vic (Sotto) and Joey (De Leon), NET25 is their newest home. And we’re very happy that (the) three of them (will) have their specific programs on NET25,” ang sabi ni Vallejos.

In-announce rin ng bagong NET25 President na magkakaroon sila ng youth-oriented variety show entitled Kada-25.

“I’m sure you remember That’s Entertainment. We wanted to innovate that concept,” banggit pa ni Vallejos.

Malaking tulong aniya na content consultant ng NET25 ang batikang entertainment producer na si Wilma Galvante, lalo pa’t ang layon ng Kada-25 ay mag-discover ng bagong talents.

Bukod sa naturang show, patuloy ring maghaha­nap ng fresh talents ang NET25 with their other shows. Mayroon silang NET25 Star Center na pinangu­ngunahan ni multi-talented artist, Eric Quizon.

“They have a group of fresh. diverse talents. Some of them may have appeared on TV before, but some are really fresh,” dagdag ni Vallejos.

Nitong February, nagsimula nang ipalabas sa NET25 ang talk show ng tinaguriang Reyna ng Kalsada na si Love Añover entitled Love and Everythaaang. Si Love ay dating reporter ng GMA 7 at nakilala siya dahil sa kanyang unique style of reporting.

Mukhang marami pang niluluto ang NET25, at nabanggit ni Vallejos na maglalabas din sila ng mga pelikula this year. Sa ngayon, parang pigil pa ang pag-announce ng NET25 President pero makikita mo ang pagkasabik niya para sa mga darating pa nilang shows and projects.

Vice Ganda, nakapirma na ang puso sa Kapamilya!

Pinatunayan ulit ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kanyang pagmamahal at pagtitiwala sa ABS-CBN nang opisyal niyang ni-renew ang kanyang kontrata sa kumpanyang tinawag niyang tahanan sa The Unkabogable Day noong Miyerkules (Pebrero 15).

Bukod sa contract signing, nagpasalamat si Vice sa Madlang Pipol para sa naging tagumpay ng kanyang pelikulang Partners In Crime. Nagsilbi itong comeback niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at naitala rin bilang isa sa mga nangungunang pelikula sa MMFF noong nakaraang taon. Sa kanyang contract signing, binalikan ni Vice ang dekadang karera sa industriya.

“The journey has been quite long na rin. There were difficult times, but there were a lot of fun times. It was colorful pero kung susumahin mo, it’s a winning journey,” sabi niya.

Binigyan din siya ng ilang Kapamilya artists, katrabaho, kaibigan, at mahal sa buhay ng kanilang taos-pusong pagpupu­gay para sa Unkabogable Star.

Nagpasalamat si Vice sa ABS-CBN executives. “Maraming maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala, pagbibigay ng trabaho, oportunidad, pagkakataon… I am so grateful,” sabi niya.

Nagpahayag din siya ng kanyang katapatan para sa ABS-CBN. “Nakapirma na talaga ‘yung puso ko rito. ‘Yung paa ko nakabaon na dito sa bahay na ‘to. Ayoko na lumabas… I’d rather be here inside my home. Ito ang pinakaligtas na lugar para sa akin,” pagbabahagi ni Vice.

Kabilang sa mga executive ng ABS-CBN na dumalo ay sina chairman Mark Lopez, ABS-CBN COO of Broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Group CFO Rick Tan, Star Magic and Entertainment Production head Laurenti Dyogi, at ABS-CBN head of Non-scripted Format na si Louie Andrada.

Sumikat si Vice Ganda sa noontime variety show na It’s Showtime at nakagawa ng maraming box-office hits. Nakatanggap na rin si Vice ng iba’t ibang parangal bilang Kapamilya star. Noong 2021, pinangalanan siya bilang Best Entertainment Program Host sa Asian Academy Creative Awards at Most Trusted Entertainment/Variety Presenter sa Reader’s Digest Trusted Brands Awards.

Show comments