^

Pang Movies

Cherry Pie, ‘di malilimutan ang pang-iirap ng sikat na young star!

Gorgy Rula - Pang-masa
Cherry Pie, �di malilimutan ang pang-iirap ng sikat na young star!
Cherry Pie

MANILA, Philippines — Meron palang isang sikat na young star na pinagsabihan ni Cherry Pie Picache dahil sa hindi raw ito marunong gumalang sa kanilang senior stars.

Hindi na bago ito sa veteran stars na halos lahat ay may na-experience na hindi magandang attitude sa mga batang artista.

Ilang beses din daw na may na-encounter na ganito ang premyadong aktres.

Naikuwento sa amin ito ni Cherry Pie sa nakaraang mediacon ng pelikula nilang Oras de Peligro na magsu-showing na sa March 1.

Sabi ng aktres, meron daw siyang hindi nakalimutan na karanasan dito sa sikat na young star.

Ayaw niyang magbigay ng clue, pero sikat pa rin daw ito hanggang ngayon.

“Basta in general, oo may nai-encounter ako na I think hindi nila nari-realize ‘yung importance of knowing, I mean ‘yung senior sa kanila.

“Parang gumanun lang naman yata siya,” kuwento niya na parang umirap lang daw itong young star na ito nang pinagsabihan niya.

Marami naman daw mga batang artistang marunong gumalang sa kanilang senior stars. Pero kapag nag-attitude, talagang pinagsabihan daw niya ito.

“Hindi ako nangingimi, hindi ako nagdadalawang-isip na turuan at pagsabihan sila. Lalung-lalo na ‘pag kasama namin.

“Like ako, ang training namin old school, kay Tita Glo (Gloria Romero), ‘pag may kasama kaming senior, never namin pababayaan na mauna sila sa set.

“Laging dapat una kami, bago sila. Ganun ‘yung training namin.

“’Yun ang natutunan ko sa kina direk Joel, kina direk Peque, ‘yung mga ganun ‘di ba?” saad ni Cherry Pie na sinabi na niya sa aming, ayaw na raw niyang makatrabaho itong sikat na young star na ito na nakasama niya sa isang project sa ABS-CBN 2.

Ang isa pa ngang hindi raw niya kayang palagpasin ay nung minsang nabanggit daw ng isa ring mas batang artista na hindi raw niya kilala ang namayapang direktor at National Artist na si Lino Brocka.

Para sa kanya, hindi raw dapat balewalain ang nag-iisang Lino Brocka.

“’Di ba merong isang insidente na ang isang bata hindi kilala si Direk Lino Brocka, nagagalit din ako doon.

“Na parang ‘ha? Who’s Lino Brocka ba?’

“At that time, that was about 10 years ako, nasaktan din ako dun. Kasi katulad ako, lumaki ako, ‘yun ang mga hinahangaan ko. ‘Yun ang nag-inspire sa akin, ang nag-encourage ‘di ba?
“Natuto ako sa kanila, ‘di ba? So, parang ang sakit-sakit sa loob na ngayon, parang hindi nila nakikita ‘yung…walang respeto ‘di ba, sa mga senior actors.”

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with