Sam at Catriona, kinumpirmang ikakasal na!

Sam at Catriona

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng magkasintahang Sam Milby at 2018 Miss Universe Catriona Gray na engaged na sila.

Halos sabay nilang in-announce sa kanilang social media account kahapon, Feb. 16, ang kanilang engagement kung saan ipinost nila ang parehong litrato na hawak nila ang mga baso na may nakalagay na “Mr. Milby” at “Future Mrs. Milby.”

 “I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala... now my fiancé,” caption ni Sam. Nag-post din ang beauty queen na may caption ng: “Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee).”

Pinost din niya ang litrato nila kung saan ipinakita nito ang singsing na lutang ang malaking bato na may caption na: “Our best chapter yet.”

Samantala, ilang buwan na ring usap-usapan na engaged na sila at may nagsasabing kasal na sila pero tinawanan lang ito ng singer-actor. Inamin naman nito na napag-uusapan na nila ang kasal dahil ayon sa kanya ay sigurado na siyang si Catriona na ang pakakasalan niya.

Inulan naman sila ng pagbati mula sa mga kaibigan at taga­hanga.

Show comments