Maja at Rambo, kinasal na?!

Maja at Rambo

MANILA, Philippines — May usap-usapan kahapong nagpakasal na raw ang magkasintahang sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Habang sinusulat namin ito, wala pa kaming nakuhang detalye tungkol sa sinasabing kasalan, pero may ilang celebrities na dumalo. Mahigpit daw na pinagbilinan na walang magpu-post sa kanilang social media account.

Hinihintay na lang ang official announcement ng magkasintahan.

Kung totoo ito, sakto ito dahil pinagdiwang nila kahapon ang 4th anniversary ng kanilang relasyon.

Wala pang ipinu-post ang aktres sa social media.

Si Rambo naman ay lumang photo ang ipinost nito sa kanyang IG account na may caption na: “Happy Valentine’s Day and Happy 4th My Love! I cannot wait to spend forever with you (heart emoji). I Love You.”

Show comments