Ogie, proud senior!

“After you grow as an adult, the age is just not a number, but a mindset,” sabi sa isang article na nabasa ko.
Ganyan ang naging mensahe at mga komento nang i-post ng singer / TV host na si Ogie Alcasid ang isang ID at nilagyan niya ng caption na “Yep, senior na po talaga.”
Ito ‘yung ID niya sa Federation of Philippine Amateur Senior Golfers Inc.
May ibang hindi naniniwala dahil hindi raw halata sa hitsura nito na isa na siyang senior citizen.
Pero mas marami naman ang natutuwa na hindi nito kinakahiya ang kanyang edad.
Maraming benepisyong nakukuha ang pagiging senior citizen kaya naman maraming gusto agad ang maging senior (60 years old) pero marami ring celebrity na ini-edit ang edad at nagpapabata alang-alang sa kanilang career.
Napuri rin siya na at least siya may pinagkatandaan hindi tulad ng iba na 60 na pero parang pambata ang takbo ng utak.
Tatlo ang anak ni Ogie, dalawa kay Michelle Van Eimeren at ang only son nila ni Regine Velasquez.
Aktor, hindi na epektibong endorser!
Madali na ngayong malaman kung sino ang effective endorsers.
Sa number of views pa lang, malalaman na agad.
At dito nadiskubre na hindi na effective ang isang actor ng isang advertising agency.
Very low raw ang traction o engagement ng ini-endorse nito samantalang ang image na pino-project nito ay mataas pa ang kanyang premium.
Believe it or not, minsan daw ay hindi pa umaabot sa 1K views samantalang daig pa siya ng ibang ambassador ng nasabing ini-endorse niya na hindi same kumbaga ang level nila na mas ‘di hamak na mas malaki.
Hindi katulad noon na sabihin mo lang na ito ang talent fee mo, ok na sa business owners or advertising agency. Nag-evolve na talaga.
Ella, nagdrama nang mawala sa MOM?!
May emote pala ang aktres na si Ella Cruz dahil parang nawawala raw siya sa ‘karugtong’ ng Maid in Malacañang kung saan na-bash siya nang todo dahil sa statement na ‘history is like chismis,’ sa Martyr or Murderer na ikalawang yugto ng obra ni Direk Darryl Yap.
Nagkaroon pala ng medical emergency ang kanyang ama dahil sa natanggap niyang bashing. Ito diumano ang matinding naapektuhan sa lumaking kontrobersya ng pagkukumpara niya sa history at chismis.
Anyway, ipakikita raw sa Martyr or Murderer ang nangyari sa pamilya Marcos bago at matapos ang EDSA Revolution na isang pasilip sa kanilang “life in exile” at ang talakayan tungkol sa mga kontrobersya na kinasangkutan ni Imee Marcos sa Morocco.
Nais din umanong magbigay ng mga kasagutan ang pelikulang ito sa mga walang-katapusang katanungan tungkol kina Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos at ang kanyang pinaka-matinding katunggali, si Senador Benigno Simeon Aquino, Jr.
Nagbabalik sina Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, at Ella Cruz bilang Imee Marcos, Ferdinand Marcos, Imelda Marcos, Bongbong Marcos at Irene Marcos.
Si Isko Moreno ang gumaganap na Ninoy Aquino. Ang batang Ninoy ay si Jerome Ponce.
Kasama rin sa cast sina Marco Gumabao bilang batang Marcos Sr., Cindy Miranda bilang batang Imelda, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo bilang mga kasambahay ng kanilang pamilya, at si Rose Van Ginkel bilang Maricar, ang kaibigan ni Imee sa Morocco.
Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide simula March 1.
- Latest