Ang bongga naman ng karanasan nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Ipinadaan sa social media post ng Tarlac City Information Office ang pagkakahanap nila sa nawalang gamit ng aktor. Ipinagbigay-alam nila na may nakapulot ng kanyang camera.
Baka nahulog ito habang nasa ride siya. Hilig kasi ng aktor ang pagbibisikleta at pagmo-motor sa labas ng showbiz.
Nakakatuwa na marami ang gustong tumulong para maibalik ito. Kaya naman nang mabasa ito ng aktres ay taos-puso ang kanyang pasasalamat. Siguradong na-touch ito. Hindi siguro nila akalaing maibabalik pa ang nawalang camera. Sayang nga naman ang mga kuha nito sa kanyang rides kung mawawala ito. Siguradong marami siyang memories dito.
Ipinahayag ni Carmina sa isang tweet ang kanilang pasasalamat sa nakahanap ng gamit ng mister at sa netizens na tumulong. Aniya may mga mababait pa rin pala talaga sa mundong ito. Bongga.
Mga PH ship, kinakalawang na?!
‘Pag nanonood ako ng news tungkol sa nagaganap sa dagat at pinapakita ang mga bapor o ships ng mga Chinese at ‘yung Philippine ships gusto kong mag-donate ng pintura para sa mga barko natin. Kasi nga ang ganda ng hitsura ng barko ng China tapos ‘yung atin parang may mga kalawang na.
Parang kawawa naman ang mga barko natin. Sana meron tayong mga bago na nasa Philippine sea at least ang gandang tingnan. Naku, unahin kaya nating ayusin ang mga barko bago tayo makipagtalo sa mga Chinese na nangha-harass daw sa mga fisherman natin. Or else mag-fundraising ako para makabili ng maraming pintura at ayusin ang mga bapor natin. Bongga ‘di ba!