^

Pang Movies

Babu na sa Maria Clara, Julie Anne, itutuloy ang paglaban!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Babu na sa Maria Clara, Julie Anne, itutuloy ang paglaban!            
Julie Anne

Namaalam na ang well-loved character ni Julie Anne San Jose sa Maria Clara at Ibarra na si Clarita or Maria Clara sa latest episode ng nasabing hit teleserye ng GMA-7.

Labis itong ikinalungkot ng avid viewers ng teleserye na umaasang magkakaroon ng happy ending si Maria Clara but in the end, sinunod pa rin ang original ending ng nobela ni Dr. Jose Rizal although may mga binago rin silang eksena.

Matapos ang pag-ere ng death scene ni Julie Anne ay nag-post ang aktres ng touching letter sa kanyang Instagram page at labis ang kanyang pasasalamat sa buong pamunuan ng GMA-7 at ng production team sa pagbibigay sa kanya ng napakalaking oportunidad na ito.

“Isang napakalaking karangalan na mapabilang sa programang #MariaClaraAtIbarra. Maraming salamat sa @gmanetwork at @sparklegmaartistcenter sa tiwala at pagkakataon na mabigyang buhay ko si Maria Clara,” simula ng kanyang post.

“Maraming salamat kay @zigcarlo sa paggabay sa bawat eksena, sa aking mga kasamang aktor na tunay na mahuhusay, sa mga manunulat na malikhain, at sa buong produksiyon ng proyekto na naging kaibigan at pamilya ko na.

“Higit sa lahat, maraming salamat sa inyo gabi-gabi, nakakataba ng puso ang inyong pagsuporta at pagmamahal sa programang ito,” aniya.

Ayon kay Julie Anne ay mas minahal niya ang kanyang propesyon dahil sa serye na itinuturing niyang isang obra.

“Mas minahal ko ang aking larangan bilang artista sapagkat kami ay naging instrumento upang maipakita namin ang makulay at maalab nating kasaysayan.

“Para sa akin, isang obrang maituturing ang aming palabas. Ito ay siguradong kapupulutang aral, na maipamamana sa mga susunod pang henerasyon.

“Matapos man ang palabas na ito, ang kultura at kasaysayan natin ay habang buhay na nakatatak sa ating mga puso’t isipan. Ito ang nagpapaalala sa ating mga karapatan bilang tao, at sa ngalan pag-ibig – sa sarili, sa kapwa, at maging sa bayan – tayo ay lumalaban at patuloy na lalaban,” pahayag niya.

Ruffa, may payo sa pinagdaraanan ng kanyang Kuya Wil

Naniniwala si Ruffa Gutierrez na malalampasan din ni Willie Revillame ang dinadaanan nitong intriga at kontrobersiya ngayon kabilang na ang katakot-takot na bashings na natatanggap nito dahil sa ginawang paglipat sa AllTV at pang-iiwan sa GMA-7 pero ngayon ay isa rin sa makakansela ang Wowowin show nito.

“You know, si Kuya Wils, I love kuya Wils, pero I think, he’s like a cat. He has 9 lives, you know, parang nawala na siya, bumalik, nawala, bumalik, he’ll never go anywhere.

“I was calling him nga, sabi ko, ‘kuya Wils, okay ka lang?’ (Sabi niya) ‘Mamaya na, mamaya na, nasa chopper ako papuntang yate!” Ay, papuntang yate! Di ba, nasa chopper siya.

“So, I think, he’ll be fine, I don’t think he will suffer a lot,” sabi ni Ruffa nang makatsikahan namin sa presscon ng pelikulang ‘Martyr or Murderer.’

At sa katakot-takot na bashings na natatanggap ngayon ni Willie, narito ang payo ni Ruffa:

“Ang advice ko lang kay Kuya Wils, enjoy life. He’s super-successful already, you know, enjoy time with his family, ‘wag nang pansinin ang mga bashers. Nandiyan lang ‘yan, ang importante, happy siya sa pamilya niya, and sa tingin ko, narating na rin niya ‘yung tuktok ng tagumpay.

“And I believe that Kuya Wils has a good heart. So, ‘yung mga natulungan niya, nandyan lang ‘yan, so patuloy siyang ipinagdadasal.

“So, chin up, kuya Wils, don’t be so sensitive,” payo ni Ruffa.

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with