Sen. Imee gumanda, Cristine at Eula favorite ng ‘the bash’!

Sabay-sabay nag-trending sa Twitter sina Sen. Imee Marcos, Cristine Reyes at Eula Valdez at ang koneksyon nina Cristine at Eula kay Imee ay dahil sila ang gumanap sa role ng senador sa Martyr or Murderer. Si Cristine ang younger Imee at si Eula Valdez ang older Imee.
Sa Maid in Malaca?ang pa lang, bina-bash na si Cristine sa pagtanggap ng nasabing role. Ngayon naman, si Eula ang binabakbakan ng mga basher at Kakampink. Nababasa naman siguro ni Eula ang mga comments at bashing sa kanya, pero mas pinili nitong manahimik. Sabi naman ng isa niyang kakilalang aktres, kaya ni Eula ang bashers at kaya nitong sagutin ang mga ibinabatong comments sa kanya, mas maganda nga lang ang buwelta nitong manahimik.
Pati nga si Senator Imee naba-bash dahil kina Cristine at Eula. Tanong ng isa, ang feeling daw ba ni Imee, kamukha niya sina Cristine at Eula?
Mas titindi pa ang bashings sa tatlo kapag ipinalabas na ang #MoM simula sa March 1.
Glaiza at mister, natupad ang pinapangarap nung pandemic
This February na pala magbubukas ang coffee shop nina Glaiza de Castro at asawang si David Rainey sa Baler. Hindi lang ito coffee shop dahil isa rin itong bed and breakfast na uso sa mga resort. Tinawag nilang Brewbox Baler ang kanilang coffee shop cum bed and breakfast.
Pinost ni Glaiza ang before and after ng Brewbox at maganda ang lugar at hindi tayo magugulat kung maging hit sa tourists local man o foreigners.
Sabi ni Glaiza, “We were just imagining this during the start of pandemic and now it’s all coming together. It was a long and challenging process but equally exciting and satisfying. So proud of us, @david_rainery89.”
May nagko-comment lang na baka sa Baler na lang nag-i-stay si David, baka raw hindi ito sanay sa laid back lifestyle. Ang alam namin, hindi lang sa Baler sila nag-i-stay ni Glaiza dahil may condo sila sa BGC, kaya wala siyang mami-miss.
Hindi rin mami-miss si Glaiza ng kanyang fans kahit may pinapatakbong business dahil sa March, airing na sa GMA Afternoon Prime ang The Seed of Love nila nina Mike Tan at Valerie Concepcion. Drama ito tungkol sa surrogacy at maraming matututunan ang viewers.
Arabella, relatable
Si Camille Prats naman ang sunod na makakatrabaho ni Alfred Vargas at mangyayari ito sa bagong afternoon prime ng GMA-7 na Arabella.
Mahaba ang partisipasyon ni Alfred bilang tatay na hindi na kailangan ang workshop.
“Sobra akong naka-relate, in a way na gagawin mo ang lahat para sa anak mo. Siguro, yung mga questions like, ‘Ano ba ang ibig sabihin ng family? Dapat ba kadugo or you can choose your family,” sabi ni Alfred sa isang interview.
Ngayon lang makakatrabaho ni Alfred si Camille at may hirit siyang, “First time makatrabaho si Camille Prats, feeling ko prinsipe ako, Bakit? Kasi kasama ko si Princess Sarah.”
- Latest