Maraming naghanap kay Angel Locsin nang binyagan ang anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.
Mag-BFF sina Angel at Angelica.
Binigyan pa nga nito ng baby shower si Angelica noong August 2022 kasama sina Dimples Romana, Bea Alonzo and Anne Curtis ka-join ang kani-kanilang mister/partner.
Pero absent nga ito sa nasabing binyagan na naganap last week.
Matagal nang walang paramdam sa social media si Angel.
Maging ang mister niyang si Neil Arce ay hindi rin nagpo-post.
Last Aug. 1 pa ang huling IG post ni Angel.
Bagama’t merong post sa kanyang Facebook account pero hindi raw mismo ang actress ang nagha-handle nito, meron siyang administrator.
May mga gusto rin daw sanang mag-interview kay Angel pero walang sagot ang actress.
Napagkuwentuhan din si Angel nang lumabas sa social media platforms recently ang endorsement ni Jane de Leon sa isang fast food chain na si Angel ang pinalitan niyang endorser.
Ang huling intriga sa actress ay tungkol sa paghihiwalay diumano nilang mag-asawa. Pero nabura rin ito nang mag-post si Neil na magkasama sila.
Nauna na ring nasulat namin na nagpaplanong bumili ng bahay sa ibang bansa sila Angel.
Aktres na sikat, ‘di ni-renew ang contract
Totoo kayang pinakawalan na ng isang network ang sikat na actress.
‘Di na raw ni-renew ang kontrata nito at per project na lang ang agreement nito sa kanyang mother studio.
Freelancer na raw ito sa kasalukuyan at may planong gawan ng sariling programa na ipalalabas sa ibang network.
Bukod sa actress, meron din daw isang actor na medyo veteran na ang hindi na rin ni-renew ang contract ng network.
Kung sabagay, freelancer na yata na kasi talaga ang uso ngayon dahil sa rami ng artista at influencer.
Jacky Woo, wini-wish makasama ulit si Bela
Nagbakasyon pala sa Pilipinas ang Japanese actor / producer / director na si Jacky Woo.
Although by the time na lumabas ito, baka nakaalis na siya ng bansa.
One week lang siyang naglagi sa Pilipinas
Four years din siyang hindi nakapunta ng bansa.
Pero babalik siya next month para sa comeback movie niya.
Maaalalang maraming nagawang pelikula si Jacky rito.
Ilang panahon na rin siyang pabalik-balik ng Pilipinas at nagkaro’n na siya ng co-production venture sa ilan nating mga actor/producer gaya nina Robin Padilla (Alab ng Lahi) at Cesar Montano (Panaghoy Sa Suba) at iba pa pero ang chika noon hindi masasabi na naging mabunga ang kanilang pagsasama.
May isa pa siyang pelikula na ginagawa, ang Shogun fighter na ang mga eksena ay kinunan sa Japan.
Pinalabas din sa bansa ang Shaolin vs. Evil Dead, isang Kung Fu horror comedy na nagtatampok din sa Hong Kong cinema legend na si Gordon Liu (Kill Bill 1, 2, Evil Master), Kit Cheung, Louis Fan Shi Xiao-Hu, Shannon Yoh sa direksyon ni Douglas King. Ang pelikula ay naimbitahan din sa Brussels Int’l. Festival of Fantasy, Thriller & Science Fiction Films sa Brussels noon.
Natapos din niya ang Manila, Westside Story sa ilalim ng kanyang kumpanyang Forward Group kung saan nakatambal niya si Jennylyn Mercado.
Nakatrabaho naman niya sa pelikulang Tomodachi si Bela Padilla na dinirek ni Joel Lamangan kung saan puring-puri noon ni Bela si Jacky nang makatrabaho niya ito.
Na ganundin ang naramdaman ng Japanese actor.
Nanalo ang Tomodachi bilang Best Foreign Language Film at Best Musical Scoring sa Madrid International Film Festival 2016.
Pero masasabing highlight ng career ni Jacky ay nang manalo siyang best actor para sa pelikulang Haruo sa International Film Festival Manhattan held in New York na dinirek ni Adolf Alix.
Bukod sa mga pelikula, madalas din siya noong mapanood sa mga show ng GMA like Bubble Gang.
Pero nang magkaroon nga ng pandemic, natigil ang pagbiyahe niya sa Pilipinas at ngayon lang uli siya nakabalik.
Nang makausap namin siya kahapon ay may kasama siyang interpreter na Pinay at sinabi nga niyang nagpaplano siyang gumawa ng pelikula sa bansa.