Gab, tukoy agad sa blind item ni Willie!

Gab

Blind item ang labanan ngayon ng mga personalidad na may mga isyu na resulta ng balitang mawawala ang mga show ng ALLTV, kasama ang Wowowin ni Willie Revillame.

Nag-tweet kasi si Gab Valenciano na nagpahayag na hindi na niya matiis ang nasa isip at nag-comment na nag-run out na ang power ng tinutukoy niya na makaengganyo ng tao. Wala siyang binanggit na pangalan, pero nahulaan agad na si Willie ang tinukoy nito.

Sumagot si Willie ng blind item din. Tinukoy niya si Gab na sumasayaw at nag-i-Ingles. Pumapasok daw (siguro noong nagdirek siya ng Wowowin) at sasabihin sa kanya na he is dizzy at hindi na makakapagtrabaho.

Binanggit pa ni Willie thru blind item na nang ikasal ito sa Tagaytay may pabor siyang ibinigay sa parents nito na sina Gary at Angeli Valenciano.

Hinihintay ng netizens ang magiging sagot nito sa blind item sa kanya. Pero, payo ng netizens, ‘wag na niyang sagutin dahil kapag sinagot niya, parang inamin niyang siya ang tinukoy ni Willie sa blind item.

Joaquin, pinayuhang ‘wag munang pakasalan ang ka-live in

Mahusay sumagot si Joaquin Domagoso sa mga tanong ni Boy Abunda nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda at pati personal life at pagiging batang ama, sinagot din nito.

Inamin nitong natakot siya sa nagsisimula pa lang niyang career nang mabalitang nanganak si Raffa Castro at naisip siguro na baka wala nang offers na dumating. Pero, suwerte ang dala ni Scott sa sunud-sunod na acting awards na napanalunan nito. Ang biruan nga, natalo niya ang amang si Isko Moreno sa rami ng acting awards na kanyang napanalunan.

Natanong siya kung sino si Raffa na sinagot ni Joaquin ng longtime best friend daw niya. “We’ve been friends for almost... this year counting six na. I know her ex-boyfriends, she knows my ex-girlfriends, that’s how close we are.” Dagdag pa ni Joaquin, “She is the one.”

Desisyon daw nila ni Raffa at payo ng mom niya na ‘wag muna silang magpakasal na sinang-ayunan nila.

Anyway, mapapanood si Joaquin sa Ako Si Ninoy ng PhilStagers Films sa direction ni Vince Tañada at showing simula Feb. 22.

MoM, limang araw binuo ang trailer

Ipinalabas sa mediacon ng Martyr or Murderer kahapon ang trailer ng Viva Films movie na siguradong magiging kontrobersyal din gaya sa Maid in Malacañang dahil playdate pa lang, may isyu na.

As per director Darryl Yap, five days nilang binuo ng kanyang team ang trailer ng movie. Sa kanyang post, three days na raw ginagawa ang trailer at hindi pa tapos. Tumakbo ng 150 seconds ang trailer.

Nabanggit pa ni Direk Darryl na kumonsulta ang Viva Films sa lawyer ng kumpanya para himayin ang trailer. First time raw na may lawyers na tumulong sa trailer ng Viva Films movie.

Kasamang ipakikita sa #MoM ang love life ni President Bongbong Marcos at ang relasyon niya sa ex niyang si Claudia Bermudez na sa pelikula, ginagam­panan ni Franki Russel. Hindi kaya magreklamo si Ms. Claudia sa tagline na “Nung nangyari yung EDSA, hindi lang nawala ang palasyo kay Bongbong, nawalan din siya ng Reyna.”

Show comments