Faith, inamin ang naging relasyon kay Albert
Masayang nagsimula ang interview ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda sa special guest niyang si Faith Da Silva ng Unica Hija, dahil ninong pala si Boy ni Faith kaya bata pa lang ito ay magkakilala na sila.
Pero naging emotional na si Faith nang magsimula na ang pagtatanong sa kanya ng ninong niya tungkol sa kanyang ama, former actor Dennis Da Silva na hanggang sa ngayon ay hindi pa niya nakikita dahil two years old pa lamang siya nang pumasok sa jail ang ama, at ngayon ay 22 na siya. Hindi man nakita pa ang ama, lagi raw naman silang nagkakausap sa phone at laging sinasabi nito sa kanya na ““you’re the most beautiful girl” kaya kapag I’m feeling down, iyon lamang ang inaaalaala ko at sumasaya na ako.”
Napatawad na ba ni Faith ang ama? “Yes po, matagal-tagal ko na rin siyang napatawad, kaya we can always start over, gusto ko ma-experience ‘yung pagmamahal ng tatay at alam ko sa kanya ko lamang iyon makukuha. Pero hindi ko mamadaliin ang lahat, maghihintay ako ‘pag ready na kami at ‘yung pagkakataong ibibigay sa amin ng Diyos alam ko na iyon ang magbibigay ng life changing moment sa buhay ko.”
Itinanggi ni Faith na nagkaroon sila ng relasyon ng actor na si Albert Martinez nang magkasama sila sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas in 2021. “Pero masasabi ko na nagustuhan ko siya kasi nakita ko kung paano niya ako i-guide sa eksena kasi bago pa lamang akong artista noon. Nakita ko na mahal na mahal niya ang wife niya dahil lagi niyang naikukuwento sa akin. Hindi rin niya ipinaramdam sa akin na ang layo ng level niya sa akin.”
Naging masaya ang pagtatapos ng interview kay Faith nang abutan niya ito ng envelope. Napatili si Faith, kung pera raw iyon, baka talent fee niya. Pero sagot ni Boy: “ang dami ko nang utang sa iyo, for 20 years, hindi kita naregaluhan kahit ano. Heto, ikaw na ang bumili ng perfume na gusto mo.”
Samantala, nalalapit na ang pagwawakas ng Unica Hija, 3:25 p.m. daily sa GMA 7.
Glaiza at David, sabik na ring magkaanak?!
Mukhang gusto na rin ng bagong kasal na si Glaiza de Castro na magkaroon ng baby, matapos silang um-attend ng husband niyang si David Rainey ng binyag ng anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.
Instagram post ni Glaiza: “Feeling ko grand reunion homecoming tapos yung mga kaklase mo may bitbit nang mga cute na bata. Ang saya ma-witness ng bagong chapter na ito ng buhay mo @iamangelicap, Antayin ko yung bagong rules na magagawa mo as a mom. Congrats sa inyo ni @gregg_homan! Welcome sa masaya at magulong mundo Amila, pero andito kaming mga ninong at ninang mo para alalayan ka. Kahit pa minsan hindi umaabot sa oras, pero darating para samahan ka. Mahal ka namin!”
- Latest