Michelle Dee, handang makipagromansahan sa kabaro
Handa na raw makipaglaplapan sa kapwa babae niya si Miss Universe Philippines Tourism 2022 Michelle Dee.
Ayon sa Kapuso actress-beauty queen, game siyang gumawa ng GL (Girls’ Love) project.
Tinanong kasi siya ng kanyang followers sa Twitter tungkol sa possibility na lumabas siya sa gay-themed GL series or movie. Sagot naman ni Michelle ay “yes.”
“O’naman! With the right storyline and co-actors, why not?,” tweet back ni Michelle.
Ni-reveal pa niya na may tinanggap na siya noon na dalawang GL projects pero parehong hindi natuloy dahil sa naging conflict sa schedules niya. Pero looking forward pa rin daw si Michelle na matuloy ang mga iyon.
Kasalukuyang nagte-taping siya ng Mga Lihim Ni Urduja.
Kristoffer at Misis, sinimplehan lang ang wedding anniv
Naging simple at tahimik lang ang pag-celebrate ni Kristoffer Martin ng first wedding anniversary nila ng kanyang misis na si AC Banzon kasama ang anak nilang si Precious Christine. Kumain lang silang tatlo sa kilalang buffet restaurant.
Advanced pa nga ang pag-celebrate nila ng anniversary dahil sa mismong araw ng kanilang wedding anniversary (Feb. 3), nanood ang misis ni Kristoffer ng concert ng K-Pop group na ENHYPEN.
“Unang taon na tama tayo sa mata ng Diyos. Mahal kita ngayon at mamahalin kita bukas,” caption ni Kristoffer sa Instagram post nito.
Nag-post din ng kanyang mensahe para sa mister si AC. Grateful daw itong maging partner for life ang aktor.
Abala na ulit si Kristoffer sa paggawa ng teleserye at kasama siya sa cast ng megaserye na Mga Lihim Ni Urduja kasama sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Michelle Dee, Arra San Agustin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, and Rochelle Pangilinan.
- Latest