Judy Ann, tatanggalin na ang takot sa snow!
“Takot ako sa lamig,” pag-amin ni Judy Ann Santos kahapon sa media conference ng comeback movie niyang The Diary of Mrs. Winters.
“Tinanong ako ni Sam (Milby) nung look test namin. Do you like cold, no. Do you like snow, no. Why did you accept this? Exactly. Parang more than anything, I prayed for a project that will help me face my fears,” sabi pa ng actress kahapon.
“I’ll be turning 45 this year and I think it’s the perfect time for me to face my fear of heavy snow and may matindi akong trauma sa snow and siguro para sa iba, napakababaw nu’ng rason na ano ba naman, ‘yun lang ang rason, napakababaw, sa snow, natatakot?”
At doon na niya kinwento kung paano ‘yun nag-umpisa.
“Nu’ng bata kasi ako, nu’ng nasa Toronto ako with my mom, ang feeling ko talaga, wala na akong tenga. After that, I was 14 years old since then ayaw ko nang maka-experience ng snow. But then again our children, gustung-gusto nilang maka-experience ng snow. So, I want to, gusto kong ma-surpass ‘yung takot na ‘yon para ma-enjoy namin as family pag nagka-chance na makakita kami ng snow with them, ma-enjoy namin pare-pareho and at the same time, si Ryan (Agoncillo), ano kasi siya, eh, ‘pag may fear siya of something, ano ‘yan, eh, head first,” kuwento pa ni Juday na mas na-enjoy na ngayon sa pag-aalaga sa pamilya kesa gumawa ng pelikula at teleserye pero iba ang naramdaman niya sa The Diary of Mrs. Winters.
Dagdag niya : “Tatalunin niya talaga. Takot siya sa deep water, nag-diving siya. Takot siya sa trail biking, nagma-mountain biking siya. So na-inspire ako doon na parang pwede palang ganu’n, gawin mo siyang hobby and you face your fear and, you know, you get something out of it.
“So, before I turn 45, parang I want to, with this perfect project, parang napakatanga ko naman kung ‘eto na ‘yung dasal, sinagot na, hihindian ko pa ba?” mahaba pa niyang paliwanag.
“Meron akong mga tao na ibinigay ni Lord sa akin to be comfortable with working in Canada, it’s something na these people will help me conquer my fear and at the same time make me do my work as an actress na sapat at tama. So, para sa akin, that’s more than enough reason to enjoy this film even if takot na takot ako sa... ayaw ko munang isipin... kasi ‘pag iniisip ko siya, literal na nilalamig ako,” sabay hawak niya sa suot niyang white sweater.
Matagal naging OFW sa Canada ang mommy Carol niya.
Samantala, matagal ding napahinga sa pelikula ang actress.
Ang pelikulang Mindanao ang huling ginawa niya.
Leading man niya sa The Diary of Mrs. Winters si Sam na isang horror-drama thriller.
Isang dekada na ang nakalipas nang huling magkatrabaho sina Judy Ann at Sam, sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, at ang bago nilang pelikula ang tinuturing nilang comeback sa big screen.
Ito rin ang unang horror film ni Sam.
Isa ring comeback para sa box-office director ng mga horror film, Rahyan Carlos, kilalang director, scriptwriter, at tanging accredited teacher ng Chubbuck Technique dito sa Pilipinas.
Ito ay tungkol sa isang Pinay bio-forensic assistant cleaner sa Canada na si Charity at gagampanan ni Judy Ann, na sinumpa matapos itago ang diary ng isang matandang babae na nag-commit ng suicide.
Maraming kamalasan ang nangyari sa kanya kabilang ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay at ipaglalaban ang kanyang true love na si Victor na gagampanan ni Sam. “To say that this is a dream project is an understatement. Not only because of the fact that I will be reuniting with Ricky Lee as this is our second collaboration, but also because we will be joined by Judy Ann and Sam. We are looking forward to work with both of them as we know that they are artists of world-class caliber. This is also the first full-length Filipino film to be shot amidst the panoramic Ontario, Canada” dagdag pa ni Direk Rahyan.
Kaya naman tinanggap ito ni Judy Ann na aminadong alam niyang magiging worth her time.
The Diary of Mrs. Winters ay ipapalabas sa 3rd quarter ng 2023 dito sa Pilipinas at abroad at mag-uumpisa na silang mag-shooting this month.
Darna, haharap sa pinakamalaking sakripisyo
Pagkatapos ng nagliliyab na mga eksena gabi-gabi umpisa noong Agosto 2022, magaganap na ang super finale ng Mars Ravelo’s Darna sa Biyernes (Pebrero 10).
Patuloy si Darna (Jane de Leon) sa pagharap sa matinding giyera na hatid ni Heneral Borgo (Richard Quan) sa Nueva Esperanza na pinalala pa ng makamandag na pagbabalik ni Valentina (Janella Salvador) na agad pinatay ang kakampi ni Darna na si Brian Robles (Joshua Garcia).
Manaig pa kaya ang kabutihan laban sa kasakiman at kasamaan?
O kailanganin kaya ni Darna na isakripisyo ang kanyang buhay para iligtas ang mga tao sa kanyang pagsasabuhay ng paniniwalang “ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa.”
“Marami kayong aabangan, mga Kapamilya. Maraming pasabog! Hindi ko alam kung matutuwa kayo o malulungkot kayo. Basta abangan n’yo yan,” paghikayat ni Jane.
Umani ng mahigit 400 million combined YouTube views ang Darna videos ng ABS-CBN base sa data hanggang Enero 20.
- Latest