^

Pang Movies

Jillian Ward, pinaghahandaan ang pasabog na debut  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jillian Ward, pinaghahandaan ang pasabog na debut             
Jillian

Pinaghandaan daw talaga ni Jillian Ward ang theme ng kanyang 18th birthday celebration. Pasabog daw ang kanyang debut kaya excited daw siya sa araw na iyon.

“Sobrang konti pa lang po ng gumagawa po ng ganitong theme. Kumbaga sa showbiz industry po, parang wala pa po akong nakikita talagang ganito pong klaseng setup ng debut. Basta po ang goal ko po kasi mag-enjoy po talaga lahat ng guest ko. ‘Yung parang hindi po sila mabo-bore, as in enjoy na enjoy po sila,” sey pa ng bida ng to-rating GMA Afternoon Prime na Abot Kamay Na Pangarap.

Kahit na sobrang busy ang schedule niya, hands-on daw siya sa pag-asikaso ng kanyang debut. Siya ang nagtse-check sa mga supplier at pati na sa kanyang guests list.

Ang gagawa ng debutante gown ni Jillian ay ang designer ng lava gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Mak Tumang. “Ang tagal ko na rin po talagang ina-eye si Sir Mak dahil nga sobrang talented po niya, tapos ang bait pa po niya. Fun fact po, pareho po kaming Kapangpangan, so syempre po, Kapangpangan pride, nakaka-proud din po talaga.”

Faith, nagsalita sa totoong gigil kay Kate

Sinagot ni Kapuso sexy actress na si Faith Da Silva ang mga naging comment ng netizens sa kanyang pagganap bilang ang kontrabida na si Carnation sa GMA Afternoon Prime teleserye na Unica Hija.
Karamihan daw ng comments ay mula sa fans ni Kate Valdez na siyang inaapi ni Faith sa naturang teleserye.

Nilinaw naman niya na trabaho raw ang ginagawa niya at wala silang away o alitan para saktan niya ng totohanan sa mga eksena.

“Love na love ko si Kate dahil malalim na po ang pinagsamahan namin. We’ve been friends for a long time and super love ko siya. Sobrang gaan niya katrabaho and, at the same time, masaya lang ‘yung set namin kasi tawa kami nang tawa,” paliwang pa ni Faith.

JILLIAN WARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with