^

Pang Movies

Bigla ring bumait Alex hanggang tinapay na lang, umiiwas na sa cake!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bigla ring bumait Alex hanggang tinapay na lang, umiiwas na sa cake!

Umiiwas na sa cake si Alex Gonzaga-Morada.

Kahapon na birthday ng daddy niya, pinakita niyang sa tinapay niya nilagay ang candle.

“Happy birthday daddy! Love you always! Pasensya ka na tinapay nalang muna mapapadala ko sayo pambirthday. Magiiwas iwas na rin kayo sa (cake emoji) mahirap na @bopingonzaga_”

Naging national issue kamakailan ang pamamahid ng kanyang birthday cake sa isang server.

As in major issue ‘yun hanggang nag-sorry si Alex.

Naungkat na rin ang iba’t ibang mga sinasabing kamalditahan ni Alex kaya naman bait-baitan ngayon si Alex sa kanyang YouTube kung saan may ilan siyang loyal followers na binigyan niya ng tulong at saya.

Pinuntahan niya ang ilang netizen para makipag-chikahan. ‘Dear Alex…Baka Naman’ ang title nito kung saan pinili ng team ni Alex ang mga nag-email at tinupad ang wish ng mga ito.

Apat na fan ang napagbigyan ni Alex.

Sarah, nagkasakit!

Nagkasakit pala si Sarah Geronimo kaya hindi nakasipot sa ginanap na 45th anniversary concert ng mahusay na musical director na si Louie Ocampo na pinamagatang Composer Ka Lang.

Naghingi ng pasensiya si Sarah at aniya ay babawi siya.

“Congratulations Sir Louie Ocampo on the success of your show last night!! Thank you for being the coolest Musical director that you are. I am so blessed to have been given many opportunities to work with the one and only Maestro Louie Ocampo!! :)

“I sincerely want to apologize for not being able to join you on stage due to a cold.

“Babawi po ako sa inyo next time, Sir Louie at sa lahat ng Popsters.”

May-ari ng Brilliant…, in love na in love kay Alden

Wow, bet na bet ni Ms. Glenda (wala raw talagang gamit na apelyido) si Alden Richards.

Si Ms. Glenda ang may-ari ng Brilliant Skin Essentials, Inc. na nakaka-amaze ang backstory.

Sa halagang P3,000 lang pala siya nag-umpisa ang kanyang napakalaking negosyo sa kasalukuyan na mga big star ang endorsers / ambassadors.

Pero kung meron man siyang dream ambassador ng kanyang mga produkto, si Alden lang ‘yun.

Nag-reach out na raw siya sa kampo nito at hinihintay na lang nila ang sagot. “Pinag-uusapan pa nila.”

Bakit si Alden, “Mahal ko si Alden. Hahaha. Crush na crush ko siya, super fan ako,” aniya pa.

Actually, mukha namang super close na sila dahil maraming post si Ms. Glenda ng photos na kasama si Alden at in all fairness bagay nga sila.

Hiwalay na sa kanyang mister si Glenda pero may isa silang anak.

Na-feature na sa TV5 ang kanyang life story na ginampanan ni Arci Muñoz, na naging challenging bago narating itong tagumpay.

Ngayon ay meron na siyang pa-concert sa Araneta Coliseum na ang pamagat ay #pinakamakinang na gaganapin ngayong Feb. 7, 2023 sa Smart Araneta Coliseum!

At comeback concert pa ito nila matapos ang ilang taon. Ang huling concert na ginawa ng kanyang kumpanya ay noong 2019, bago nag-pandemic.

Makakasama ni Ms. Glenda sa #pinakamakinang na concert sina Alden Richards, Jona, Morissette, Adie, Mayonnaise, Kamikazee, Drag Queens at ang Pop Rock Icon, Bamboo.

Ganundin ang Brilliant Skin ambassadors na sina Seth Fedelin, Zeinab Harake, Jillian Ward at Andrea Brillantes.

Magsisilbing host ng concert sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, mga komedyanteng sina MC at Lassy at Sam YG.

 Special guests din sa #pinakamakinang ang veteran broadcast journalists at TV personalities na sina Ms. Korina Sanchez at  Senator Raffy Tulfo.

Si Ms. Glenda ay dating PBB housemate at noong 2017 lang siya kumita ng millions pero ngayon ay isang malaking kumpanya na ang sinimulan niya pero ayaw raw niyang masyadong i-flaunt kung anumang meron siya.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with