^

Pang Movies

Sunshine, extra na lang sa show ni Sanya  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, extra na lang sa show ni Sanya           
Sanya

Nagsimula nang magtrabaho si Sunshine Dizon sa isang seryeng kanyang tinanggap, pero may nakatawag ng aming pansin, mukhang sa serye ay mas may papel si Sanya Lopez kaysa sa kanya at extra lang talaga siya.

Aminin man o hindi, nagkamali ng diskarte si Sunshine nang lumipat siya ng network. Kung hindi siya umalis noon sa GMA, mas malaki siyang star ngayon, pero sino ba naman noong panahong iyon ang mag-aakalang masasara ang ABS-CBN? Iyon ang dangers sa career ng isang artista, hindi mo masabi kung ano ang mangyayari.

Noong umalis sila sa GMA, nabigyan ng break si Kylie Padilla sa Encantadia, tapos nabuntis naman, at ang nag-shine si Sanya nga. Tapos nakagawa pa ng ilang sunod na hits si Sanya. Natural ngayon si Sanya ang star.

Pero aywan kung bakit ginagawa nilang issue ang pagbabalik ni Sunshine sa Kamuning, eh doon naman siya talaga nagsimula, at saka ano nga ba ang maaasahan niya eh wala namang prangkisa ang ABS-CBN. Hindi uusad ang career niya roon kaya nagbalik na lang siya, buti nga kinuha pa siya.

Ate Vi, tuloy ang comeback!

Madalas pa rin namang makita si Vilma Santos sa telebisyon, pero kung iisipin mo, huli siyang lumabas sa sarili niyang show, iyong Vilma noon pang 1995. Sa kabila ng napakataas na ratings noon, na umabot pa sa 47%, at historically nalampasan lamang ng Ali-Frazier Thrilla in Manila, pinili niyang magpahinga sa telebisyon, after 479 episodes, dahil gusto niyang magkaanak ulit, at ipinayo ng doctor niya na kailangan niya ang pahinga mula sa kanyang pagsasayaw. Eh magiging Vilma ba naman iyon kung wala ang dance numbers? Naging ok naman, dahil nagkaroon siya ng isa pang lalaki, si Ryan Christian.

Mula noon, hindi na siya nagkaroon ng sarili niyang TV show. Nagkaroon ng specials pero hindi talaga sa kanya.

 Pero sa darating na Huwebes, muling haharap sa television cameras si Ate Vi, dahil sa naiibang tribute para sa kanyang 60 years sa show business. Taped iyon, dahil gusto nilang mas ilapit sa Feb. 21, kasi nga noong Feb. 21, 1963 inilabas sa Life Theater ang kanyang kauna-unahang pelikula. “Excited,” iyon lang ang maikli niyang sagot nang tanungin namin kung ano ang nararamdaman niyang haharap ulit siya sa television.

James, hinihiritang magpa-sexy para magka-career ulit

Aywan kung bakit marami ang nagsasabing tutal naman daw walang nangyari sa ambisyon ni James Reid na maging isang international star, naniniwala silang sisikat siya ulit at baka kaya pang lampasan ang naabot ng dati niyang syotang si Nadine Lustre, kung gagawa siya ng mga pelikulang sexy gaya noong sa Vivamax.

Mukhang marami pa rin ang naseseksihan kay James, at matured na naman siya. Puwede na nga naman sa Vivamax, iyon ay kung may producer na kukuha sa kanya para sa isang Vivamax movie, o kung kukunin siya ng Viva mismo para sa ganoong pelikula.

Pero kaysa sa mga baguhang no names, aba kung mapagagawa nga nila si James ng adult movies, mas marami ang magiging interesado roon. Tutal naman hindi na garapalan ang mga susunod na internet movies.

SANYA LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with