Finally, mababasa na sa libro ang buhay ni Nora Aunor.
Siya mismo ang magiging publisher nito.
Naumpisahan na ang libro ni Direk Adolf Alix.
Wala raw i-e-edit dito at lahat-lahat ay ilalahad ng bagong National Artist at Superstar ng bansa.
Makulay at exciting ang naging buhay ng mahusay na actress na nadiskubre habang nagtitinda ng bottled water sa riles ng tren sa Bicol.
Nasa Guy and Pip (now FDCP Chair Tirso Cruz III) na bahagi ng buhay ng superstar ang nagagawa nila.
Kahapon sa presscon ng pelikulang Pieta ay kinumpirma ito ni Ate Guy at ni Direk Adolf.
Ang Pieta ang pelikulang pagsasamahan nila ni Councilor Alfred Vargas na first time makakatrabaho ni Ate Guy as a producer and actor din sa pelikula na plano nilang isali sa mga international filmfest.
Third person narrative ang libro.
“Ito kasi gusto niya sa kanya, kasi parang authentic, in her own words,” sagot ni Direk Adolf.
Walang bawal-bawal sa nasabing libro.
“Ngayon nandoon na kami sa Guy and Pip saka mahaba na ‘yung napag-usapan namin. May anecdote din siya na bumabalik siya sa present. Siyempre dahil kuwentuhan may balik past present na kwentuhan. So medyo madami na,” dagdag ni Direk Alix.
So pumunta na kayo Bicol?
“Hindi, sa kanya muna. Actually ang gina-gather muna for now gusto ni Ate Guy kanya muna. Kasi parang importante sa kanya, na kanya manggaling muna lahat. So ang point namin, kaya Nora and her own words kasi parang kanya lang,” dagdag ng isa sa mga taong malapit kay Ate Guy.
Clear pa ‘yung memories n’ya?
“Oo sobra kanina ‘di ba naririnig n’yo naman. Kaya siguro ganado siyang magkwento kapag nagkikwentuhan kami ganyan eh.”
May mga shocking na ba siyang mga naikwento? “Meron, hindi naman nakaka-shock dahil weird. Pero parang syempre hindi ko alam ‘yun bilang hindi ako pinanganak ng panahon na ‘yun. So parang ‘ahh ganon pala ‘yun ‘ ito ‘yung kwento nung sistema noong araw. May mga ginagawa silang pelikula
pala nung araw na parang sabi niya noon parang music video lang tapos pelikula pala ‘yun. Isang araw lang sino-shoot, tapos pelikula na. Tapos parang isang linggo parang anim na pelikula na ‘yung natapos n’ya. Tapos ‘di niya alam. Kumakanta lang naman siya,” lahad pa ni Direk Adolf.
Naalala niya ba kung ilang pelikula ‘yung nagawa niya tapos ilang kanta ang na-record nya?
“Ang dami parang lagpas 300 yata. ‘Yun ‘yung inaano rin namin ngayon, gina-gather niya rin eh. I think nagiging conscious na din si Ate Guy ngayon sa materials na meron sy’a eh. Like ano ‘yung mga films na na-produce nya para makuha n’ya, ma-gather niya.”
Lahat ba ng pelikula nya naka library?
“Meron s’yang iba ‘yung iba parang pinapa-trace niya ngayon. Kasi ‘yung mga classics kasi uso rin ang restoration. ‘Yung mga classics niya gusto niya malaman kung na kanino pa ‘yung mga yung rights. “
Saka may mga awards sya, nabibilang nya kaya?
“Ang dami. Saka ‘yung mga prinoduce nya. Kasi producer din sya kahit hindi sya artista. Ang dami n’ya rin na-produce na under sa NV Productions.”
Kasama ba dun ‘yung mga intriga sa kanya?
“Lahat naman. I think kung ano ‘yung gusto n’ya ikwento ‘yun ang importante pero as of now doon naman sa book nung nag-iinterview kami wala naman s’yang pinipili. Kung ano ‘yung mga intriga parang kasama naman nandoon pero parang hindi naman ‘yun ang focus n’ya. Parang importante sa kanya makwento n’ya ‘yung kwento n’ya, lessons. Syempre kasama doon mga hindi maiiwasan, nakasama doon mga kwento na na-down sya. Interesado rin kami. Ganda rin kung pa’no n’ya hinaharap,” mahabang kuwento ni Direk Adolf sa amin pagkatapos ng presscon kahapon ng Pieta.