AllTV, hinto muna ang mga programa!

Naku sa gitna ng problema ko sa isang umuupa ng unit ko sa Imperial biglang tumawag ang isang crew ng AllTV na magkakaroon ng reassesment kaya hinto muna ang mga programa nito.
Imagine nga naman na ang dami pang lugar na hindi naabot ng signal ng AllTV kaya siguro dapat muna itong ayusin.
Sayang nga dahil magaganda ang mga balak nilang shows pero dapat siguro ayusin muna ang signal.
Sure ako mami-miss ninyo ang show ni Willie Revillame na parang ang luma na ng concept kaya parang hindi umingay.
Kaya dapat lang na maayos muna ang lahat bago sila maging active. Mabuti pa nga ang old movies na ipinalalabas nila at talagang mataas ang rating, kaya tuluy-tuloy ito. Good luck sa AllTV. Dapat talagang magtagumpay ito dahil source of job pa rin ito sa marami. Please, sana maayos na.
- Latest