Pokwang , hindi naramdaman na minahal ng ex-papa!

“Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga,” pahayag ni Pokwang kahapon sa Fast Talk with Boy Abunda.
Pero kahit ganun, aminado siyang pinagtakpan at nagsingungaling siya dahil mahal niya si Lee O’Brian.
Dagdag niya “Bilang isang ina, umaasa ako na maayos pa kami. Kahit ang sakit-sakit na sa akin. Kailangan kong magsinungaling kasi umaasa ako na aayusin pa niya, na magkakaayos pa kami.
“Oo, naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance para kay Malia (only daughter niya),” dagdag niya sa nasabing interview.
Tungkol daw sa negosyo ang pinagmulan ng lahat nang hindi nito (Lee) magustuhan ang mga tinatanong niya.
- Latest