Nakakatawa talaga ang mga nangyayari sa paligid.
Sobra ang sensitive at negative ng marami kaya hindi mo na alam kung ano ba ang dapat mong ikilos o sabihin.
Para bang kahit anong gawin mo papansinin o kaya pipintasan ng iba.
Iyon pagpahid ng cake bilang biro, dati nang ginagawa pero ngayon isang big issue na. Kaya nga hindi mo na rin alam kung pati ba humor ng tao nawala na.
Hindi mo na rin kasi alam kung alin ang ituturing mong biro o ano ang totoo o kumbaga ay seseryosohin. Sabi nga ni Benjie Paras, ang hirap daw ngayon dahil hindi mo alam kung paano tatanggapin ng tao ang comedy o baka hindi nila ito gusto at maging issue pa.
Like nga ‘yung pagpapahid ng icing ng cake, eh madalas biruan pa nga na buong cake ang inilalagay sa mukha pag may birthday.
Naku ha, dahil diyan marami na ang bibili ng cake dahil may libreng publicity na sila.
Buti na lang at bawal sa akin ang matamis lalo na ang cake. Hahaha. At takot lang nilang pahiran ako or else… Hahaha. Or else raw oh.
Ang sarap ng cake noh. Kaya kahit bawal sa akin talagang kumakain ako. Bakit ba.
Hindi naman everyday may cake noh.
Kaya kain lang. Basta hinay-hinay din lang. Bongga.