May sex appeal pa rin si Ryan Agoncillo sa girls kahit pamilyado na siya!
Isa sa babaeng choices sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga ang na-attract kay Ryan at gusto niyang siya ang mag-interview sa kanya!
Feeling nahihiya naman si Ryan na lumapit sa girl at kinausap. Inabot tuloy siya ng tukso mula sa kanyang Dabarkads, huh!
Kaya naman nang matapos ang segment at hanapin si Ryan, sinabing paalis na at may dalang mga maleta!
Of course, loyal husband si Ryan kay Judy Ann Santos kung saan may dalawa silang anak. At least, ma-appeal pa rin si Ryan sa girls, huh!
Alden, inaming iniwan sa ere si Julie Anne
“I AM SORRY for what happened!,” ‘yan ang apology ni Alden Richards kay Julie Anne San Jose nang ma-interview siya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bulung-bulungan lamang noon ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Alden at Julie Anne. Pero biglang natigil ang tsismis sa dalawa.
Ayon kay Alden, siya ang bumitaw kay Julie Anne! Humingi na siya ng sorry at friends na sila ngayon.
Eh bukod kay Julie, niligawan niya rin si Winwyn Marquez. Pero hindi rin ito natuloy.
Pati nga ‘yung may anak na sila ni Maine Mendoza, tinuldukan na rin ni Alden na wala silang anak. Friends sila ni Maine na naging bahagi ng career niya sa AlDub loveteam.
Career ang priority niya that time at wala namang pagsisisi sa kanya kung career ang pinili niya over lovelife!
Look, where is Alden now? Maintained na maintained ang popularidad kahit wala raw dine-date ngayon, huh!