Christopher, ‘nabudol?!’
Siguro masama ang gising ko kahapon ng umaga. Kasi naalala ko bigla ang mga insecurity ng mga power tripper. Hindi ko maintindihan ‘yung cancel culture ng mga ipokritang manager na sa halip alagaan ang stars nila, nagiging reason pa para malasin ang mga alaga nila.
Tingnan mo, ngayon dapat mag-consult ng lawyer ang isang manager dahil sumasabit ang kanyang alaga dahil lang nadamay sa kamalasan ng manager niya.
Consult a lawyer siya para maayos niya na parang habit na nila. Power tripper kasi kaya hayan, problema niya tuloy na mapaganda ang image ng star niya.
Ngayon naman baka dahil sa kagagahan niya, walang bumili ng products na ine-endorse ng isang star dahil heto na naman siya at nagpa-power tripping na nagka-cancel sa presscon.
Bongga siya, ultimate power tripping ang type gawin. Tingnan natin how far siya aandar ‘pag nalaman ng mga advertising company kung magkano ang markup niya at komisyon sa mga ipinapasok niya na endorser.
Isa na naman sa naalala ko ay si Ana ‘markup’ Goma. Naloka talaga ako na parang nabudol ng P700K sa hiningi niyang markup na hindi naman pala siya kilala nang kumuha ng service ng isa kong alaga.
Naloka ako na pinalabas niya na siya ang nagpilit na kunin ang alaga ko at dapat magbigay kami sa kanya ng P700K.
Ang daling trabaho ‘di ba, ganun lang meron na agad P700K, hah hah.
Kahit pala veteran na ako, talagang puwede ka pa ring mabudol basta isang fast talker na gaya ni Ana Goma na talagang hanggang ngayon hindi ko maisip paano ako na-convince ibigay ang P700K mula kay Christopher de Leon na buong tiwala namang pumayag.
Ang bait talaga ni Boyet na hindi nagtanong bakit kailangang bigyan si Ana Goma, hah hah.
Ewan ko ba, getting old na yata ako, napa-power trip at nabubudol na.
Hindi na yata ako ang feisty at palaban na Lolit Solis kaya naiisahan na ako.
Hahahaha. Kaloka.
- Latest