JK, napisil na Ninoy Aquino
Hindi si Joaquin Domagoso, kundi si JK Labajo ang gaganap na Ninoy Aquino sa pelikula ng Phil Stagers Films na Ako Si Ninoy. Inakalang si Joaquin ang gaganap sa role ni Ninoy nang malamang kasama siya sa cast nang nasabing pelikula. Magandang anggulo raw ng promo na parehong role ni Ninoy Aquino nina Joaquin at amang si Isko Moreno sa pelikulang Martyr or Murderer.
Pero, si JK nga ang ipinakilala ni Director Vince Ta?ada sa role ni Ninoy Aquino na mas bagay sa kanya dahil musical ang Ako Si Ninoy may kantahan at mas singer naman si JK kesa kay Joaquin. Sa trailer ng movie, may mga eksenang kamukha ni Ninoy si JK, lalo na kapag naka-salamin ang aktor.
Happy and scared ang naramdaman ni JK nang i-offer sa kanya ang role ni Ninoy Aquino. “Para kasing it is hard to play real life characters. You have to portray as authentic as possible. Happily, I was able to portray the role. But I am still scared and honored at the same time,” sabi ni JK.
Tinanong pa ni JK si Direk Vince kung bakit siya ang napili? Sagot daw ng director, right choice siya. “Sana, na-justify ko ang role ni Ninoy. Malaking role siya. To think na ang first impression ko kay Ninoy ay P500 bill. Dahil sa movie, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. He sacrifices a lot for the country,” sagot ni JK.
Alam ni JK na maba-bash siya at handa siya sa bashings, gaano man kagrabe. Sanay na ito sa bashing at siya na siguro ang sasagot o sasalang sa mga mamba-bash sa kanilang pelikula.
Nabanggit din ni Direk Vince na para sa EDSA revolution ang movie, ibig sabihin, sa February ito ipalalabas. Sayang kung totoong sa March 1 na ang playdate ng Martyr o Murderer, hindi magkakatapat ang dalawang pelikula.
Kylie piniringan sa birthday
Bukas, January 25, ang 30th birthday ni Kylie Padilla, pero binigyan siya ng advance birthday surprise party ng kanyang pamilya (hindi sinabi kung kailan ang party) na ginawa sa Museo De Padilla. Pinaghandaan ang party na ang motif ay gold, white, at blue at makikita ito sa mga balloon at flowers.
Nasorpresa talaga si Kylie, naka-piring ang kanyang mga mata nang dumating sa party. Nang alisin ang blind fold, lumapit ang anak na si Alas at binigyan siya ng bouquet of flowers.
Isa sa highlight ng surprise party ay ang pagsasayaw nina Kylie at amang si Senator Robin Padilla na pansin namin, panay ang sayaw at kanta ngayon. Binigyan din ni Robin si Kylie ng blue roses at bilang pasasalamat sa ama, niyakap siya ng mahigpit ni Kylie.
Tsinek namin kung ni-like o binati ni Aljur Abrenica ng happy birthday si Kylie, pero hindi namin nabasa ang pangalan ng actor na nag-like sa post ni Kylie o kaya’y nag-post ng birthday greetings. Sabagay, bukas pa naman ang birthday ni Kylie.
Samantala, malapit na uling mapanood sa primetime si Kylie dahil sa Mga Lihim ni Urduja na sa February 20, 2023 na ang world premiere, kapalit ng Maria Clara at Ibarra. Mapapanood uli ang mga action move ni Kylie na gustung-gusto ng kanyang fans.
- Latest