Naku inggit ako dahil sa visit kay Rhea Tan ng Beautederm sa office niya sa Angeles City. Bongga dahil makikita n’yo ang pinaghirapan ni Rhea Tan na ipatayo na bunga ng success ng Beautederm.
Sa sipag at tiyaga nakuha ni Rhea Tan lahat ng success niya sa ngayon. Kaya naman very proud siya na ipakita ang magandang building at mga bagay na ipinagawa niya sa kanyang hometown na Angeles City. Enjoy n’yo ang pagiging good host ni Rhea Tan at ang masayang blessing at opening ng kanyang building, office at A-List Store.
Congrats, Rhea Tan, successful businesswoman of the year. Bonggang-bongga talaga.
Alden, binigyan ng reward ang sarili
Ang bongga naman ng nakalipas na taon kay Alden Richards.
Bumida siya sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Start-Up PH. Ni-launch din niya nakaraang taon ang Myriad Esports Cup kung saan maraming celebrities din ang sumali at sumuporta sa kanya. Isa rin siya sa nag-organize ng reunion concert ng bandang Eraserheads na naging matagumpay rin dahil maraming fans ang hinintay ang pagkakataong muling magsama-sama ang grupo.
Ang dami talagang na-accomplish ng Asia’s Multimedia Star kaya naman ‘di nakakapagtaka na binigyan niya ng reward ang sarili na bakasyon sa Japan kasama ang kanyang pamilya. Deserve na deserve talaga niya ang pahinga. Bongga.