^

Pang Movies

Lorna, payag magpaka-lola kay Coco!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lorna, payag magpaka-lola kay Coco!                    
Lorna

Kung aaluking muli si Lorna Tolentino ni Coco Martin para maging part ng FPJ’s Batang Quiapo, siyempre ay hindi raw niya tatanggihan.

“Hindi ko naman ine-expect, pero parang sa tingin ko, lahat yata ng nakasama niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, unti-unti niyang ipapasok sa Batang Quiapo. Tingin ko lang, kasi ‘yun ang pagkakakilala ko kay Coco,” sey ni LT nang makatsikahan namin sa grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters sa Angeles City last Saturday.

Hindi pa naman daw siya kinakausap at siyempre, depende pa rin daw kung may babagay na role sa kanya. Pero kung aalukin siya, syempre ay papayag siya especially kung magtatagal dahil masaya raw kasama sa set ang team ni Coco na as we all know ay matagal niyang nakasama sa FPJAP.

When asked kung payag siyang maging kontrabidang muli, aniya ay kahit anong role okay sa kanya.

“Kahit ano, basta may work, kahit lola niya (Coco),” natatawa niyang sey.

Samantala, star-studded ang grand opening and ribbon-cutting ceremony ng Beautederm Corporate Headquarters. Bukod kay LT, dumalo rin ang iba pang Beautederm Ambassadors tulad nina Bea Alonzo, Korina Sanchez, Anna Feo, Ynez Veneracion, Darren Espanto, Boobay, Alynna Velasquez and Sylvia Sanchez.

Masayang-masaya ang CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan dahil natupad na ang isa sa mga pangarap niya at ito ay magkaroon ng sariling buil­ding.

Ang nasabing establishment ay all-in-one na may sariling coffee shop (Beaute Beanery), high-end boutique (A-list Avenue), derm clinic (Beautehouse) at mayroon din itong studio for pictorials and photo shoots.

“This building is more than just a structure. This building is a testament to what hard work and a lot of faith could accomplish,” pahayag ni Miss Rei.

Maureen, nilinaw ang pahayag tungkol sa trauma sa ex

May follow-up si Maureen Wroblewitz sa nauna niyang pahayag sa kanyang TikTok video kung saan ay sinabi niyang nagre-recover pa siya mula sa trauma na idinulot ng kanyang past relationship at one day magsasalita siya tungkol dito.

Of course, bagama’t wala siyang tinutukoy na pangalan, it’s obvious na ang ex-boyfriend niyang si Juan Karlos or JK Labajo ito since ito ang huli niyang public relationship and they just broke up last year.

Marami na agad ang nag-abang sa kanyang pasabog kaya naman sa kanyang bagong TikTok video ay nilinaw niya ang tungkol sa mga nauna niyang sinabi.

“I am here to tell that there is no tea to spill. I’m sorry to all the Marites. I don’t think that’s fair because I cannot just blame one person,” simula nito.

Dagdag niya, “the point of my video wasn’t to throw shades, but it was focusing on all the things that I have learned from my relationship. As I said in the caption, I have lost a big part of myself and I’m only now starting to realize who I am and what I want.”

Marami raw siyang ginawang hindi niya gusto in the past at isinakripisyo niya ang kanyang beliefs and values dahil gusto niyang i-please ang kanyang partner.

“We were both very young when we got into the relationship and I don’t regret those years,” aniya.

Taong 2017 nang magkaroon ng relasyon sina JK at Maureen and that time ay 16 years old pa lang ang una while ang huli naman ay 18 or 19. Last year naman nang kumpirmahin nila ang kanilang breakup.

“It’s sad that it didn’t work out but it was for the best,” sey pa ng beauty queen/actress.

“The past 8 months haven’t been easy and until today, I still cry over past trauma but I am healing every day and I’m working on myself every single day.

“I always wanna have a positive outlook in life and even though it wasn’t the healthiest relationship, again, I’m not blaming just one person,” aniya pa.

Marami raw siyang natutunan sa kanilang relasyon na gusto niyang ibahagi sa kanyang followers.

May nagkomento na hindi naman sila in bad terms ni JK at sagot ni Maureen, “It was quite messy like most break ups but now all we want is for the other person to be happy.”

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with