Ang magkapatid na Vincent at Val del Rosario at si Director Paul Basinillo at isa pang bossing ng Viva Prime ang sumagot sa mga tanong ng media tungkol sa newest streaming platform na ito ng Viva Entertainment. Sa interes ng tao, alam na magiging successful din ang Viva Prime gaya sa Vivamax na may close to 6 million registered subscribers worldwide.
Sa Jan. 29, 2023 na ang kick-off ng Viva Prime and for only P49 subscription fee or P99 for ads free, you can now watch and rewatch your favorite Viva Films movie. Kasama na ang ipoprodyus nilang series, concerts at documentaries. Ipinagmamalaki ng Del Rosario siblings na ang Viva Prime ay magkakaroon ng “Best Filipino Content.”
Nabanggit ni Vincent na magdi-discover sila ng new talents for Viva Prime gaya ng ginawa nila sa Vivamax. Puwede ring hiramin nila ang Vivamax stars at puwede ring tumawid o gumawa ng project sa Viva Prime sina Sarah Geronimo, Bela Padilla, Cristine Reyes, at Anne Curtis.
Toni, binitawan ng fans?!
Naintriga kami sa nag-trending na hashtag na #PaalamToniGonzaga na isinabay pa sa concert ni Toni Gonzaga noong Jan. 20. Akala namin pinatay si Toni, pero nang basahin ang tweets, ang ibig sabihin ng hashtag, may fans siya na nagpapaalam. Bibitaw na raw sila sa pagsuporta rito at may iba-iba silang rason kung bakit bumitaw sila sa suporta.
Ang karamihan sa inirason ay na-disappoint sila nang suportahan nito si President Bongbong Marcos last election. So, may halong political ang pagbitaw nila bilang fans nito at may nabasa nga kaming tweet na obvious na galit na galit pa rin dahil sabi, “You hate Robredo. You will pay the price. And we will keep hating, cancelling and destroying evey single Celeb Supporter of the President. Call us Toxic, Racist and Bitter, it is a Badge of Honor. Because we will turn your lives into hell.” Grabe, galit na galit?
May mga nagalit din sa kanya dahil hindi raw tumindig noong mawalan ng franchise ang ABS-CBN at ‘yung isyu kay Rodante Marcoleta. Nadagdagan pa nang pumirma siya sa ALLTV. Nagkapatung-patong na ang isyu hanggang magpa-hashtag na sila.
Kaya lang, dedma na siya sa mga isyu sa kanya, tuloy lang ang trabaho niya at pagiging “Unbothered Queen” na lalong ikinaiinis ng kanyang bashers at former fans.
Dennis at Jennylyn, solid ang modern family
Cover ng Modern Parenting magazine sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado at ang tatlo nilang mga anak. Ang gandang tingnan ng mag-anak at makikita na habang karga ni Jennylyn si Baby Dylan, nakahawak naman si Dennis sa kanang balikat at braso ni Jazz. Si Calix ang nasa tabi ni Jennylyn at makikitang binata na ang panganay ni Dennis.
May pahayag si Dennis tungkol sa kanilang blended family na mababasa sa magasin.
“A blended family is like a regular and normal family. May mga ibang normal family pero medyo dysfunctional sila. Sa amin. kahit blended kami at modern ang set up, we see to it na masaya ang bawat isa and talagang solid kahit ano pang tawag diyan.”
Anyway, humahakot ng award si Dennis sa Maria Clara at Ibarra at inaabangan na ng sumusubaybay nito ang pagbabalik niya bilang si Simoun na at hindi na si Crisostomo Ibarra. Bukas na magsisimula ang Book 2 ng historical portal fantaserye ng GMA 7 na pinag-uusapan at pinapanood.
Si Jennylyn naman, itutuloy na ang natigil nilang series ni Xian Lim na Love. Die. Repeat at nabanggit nito dati na may gagawin siyang pelikula na hindi muna itinuloy ang shooting dahil nagbuntis at nanganak siya.