^

Pang Movies

Billy, naaawa kay Alex   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Billy, naaawa kay Alex              
Billy

Naaawa rin si Billy Crawford sa katakut-takot na bashings ngayon ng netizens sa kanyang kasamahan sa Tropang LOL na si Alex Gonzaga.

Nakausap ng entertainment press si Billy sa grand media launch ng bagong streaming application na Viva Prime at isa nga sa napag-usapan ang talk of the town ngayong icing incident ni Alex.

Nakausap daw niya si Alex after the incident at biniro pa niya ito. “Sabi ko, ‘ayan ka na naman, laman ka na naman ng news, congratulations, trending ka na naman,’” natatawang kwento ni Billy.

“Siya ang kauna-unahang nag-trending ng masama sa birthday,” natatawa pa niyang dagdag.

“Kawawa naman, naaawa na ako sa kanya, sa totoo lang. Pero God works in mysterious ways, sinasabi ko sa ‘yo. We’ll learn our lessons at the end of the day,” aniya.

Ayon pa kay Billy, alam naman daw ni Alex na mali ang nagawa nito kaya time to move on na raw.

“I think, she knows what she’s done and kung ano naman ‘yung mali sa isang tao, ‘di ba? Pero I think it’s time to move on. Mas maraming importanteng mga bagay na nasa paligid natin na kailangan nating pag-usapan, sa totoo lang. I think, we’re really feasting on negativity around us,” he said.

Wala naman daw perpektong tao at siya man ay nagawa na rin daw niyang magpahid ng cake sa barkada niya.

“Ako, guilty ako before, namamahid ako ng cake sa barkada ko pero kahit paano, you have to know your consequences kahit paano.

“So, alam ni Alex kung anong mali ang ginawa niya and she’s really sorry naman,” sey ni Billy.

Samantala, bukod sa Vivamax, naglabas na naman ng isa pang streaming app ang Viva Entertainment, ang Viva Prime.

Kung ang Vivamax ay pang-adults, ang Viva Prime naman ay more on pang-pamilya ang contents at pwedeng panoorin ng kids.

For its opening film, ang blockbuster hit na Maid in Malacañang ni direk Darryl Yap ang mapapanood sa pagbubukas ng app sa Jan. 29.

Ang Viva film’s library consisting of movies of Sharon Cuneta, Vilma Santos, Nora Aunor, Sarah Geronimo, JaDine (James Reid at Nadine Lustre) na nasa Vivamax ay ililipat na raw sa Viva Prime, gayundin ang Viva Live concerts.

Sa ngayon, at least ay one title per week daw ang kanilang ilalabas.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay hindi na gagawa ang Viva Films ng mga pelikulang ipalalabas sa sinehan. Of course, iba pa rin daw ang theatrical released-movie pero siyempre, times are changing din naman at kailangan din nating maka-adapt sa digital world.

BILLY CRAWFORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with