Sunshine, kasama na ulit sa teleserye ng GMA!
Tiyak na ikatutuwa ng fans ni Sunshine Dizon ang balitang balik-GMA Network na muli ang actress, pagkatapos ng first project niya sa Kapamilya network. Kasama si Sunshine sa bagong GMA Primetime series na Mga Lihim ni Urduja na pagbibidahan nina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla. Special participation ang character na gagampanan ng actress.
Matatandaan na magkakasama sila sa Encantadia series.
Ang Mga Lihim ni Urduja ay patuloy pang nagti-taping ngayon, pero sila raw ang ipapalit sa historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra.
Alden, suportado ng GAB
Suportado pala ng Games and Amusements Board (GAB), ang nalalapit na first esports tournament ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Matapos makabalik si Alden sa 10-day Japan vacation niya with his family, dumalaw siya sa opisina ng GAB at na-meet niya ang newly-appointed GAB Chairman, si Atty. Richard Clarin.
After ng esports tournament, haharapin naman niya ang bagong projects na gagawin niya for GMA Network.
- Latest