Grabe, eight months din palang nagkaroon ng depression ang isang actor.
Ito pala ang dahilan kaya nawala siya sa eksena at natanggal sa isang teleserye.
Tumaba raw kasi ang actor at nahirapang labanan ang depression.
Sa kasalukuyan ay medyo magaling na raw ang actor.
May iniinom na itong anti-depressant o medication para sa major depressive disorder, anxiety disorders, chronic pain conditions etc.
Sayang, mahusay ang aktor na ito, pero talagang dumaraan siguro sa ganung phase ng buhay ang ibang mga celebrity lalo na nga’t nagkaroon ng pandemya though ngayon ay normal na ulit ang lahat.
Atty. Topacio, nagsalita sa isyung na-bankrupt sa pelikulang Mamasapano!
Itinanggi ni Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films na bangkarote na ang kanyang kumpanya dahil sa pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told na nag-no. 7 sa MMFF 2022. “Hindi kami na-bankrupt at hindi kami maba-bankrupt,” sagot niya agad kahapon.
May ganung intriga pala matapos hindi umusad masyado sa takilya ang pelikulang Mamasapano sa MMFF.
Pero walang binanggit ang kontrobersyal na abogado kung magkano ang kinita ng pelikula though may rumor na P5 million lang ang kinita nito na hindi na rin masama kung tutuusin.
Aniya, ok na sa kanya ang nasabing ranking dahil ang gusto lang naman talaga niya ay ‘wag itong matanggal sa first day na nangyari raw. “In fact natapos namin until the last day ng MMFF. Dun pa lang ok na ako,” ayon pa kay Atty. Topacio sa ginanap na media conference kahapon.
Bukod pa sa may mga natanggap pa itong award.
At hindi raw siya basta-basta maba-bankrupt dahil marami silang investor at kabilang dito ang isang malaking pangalan sa pulitika pero ayaw niyang ipabanggit ang pangalan nito.
Basta, ‘big time’ at totoong mahaba ang pisi nito nang marinig ko ang pangalan, kahit pa 100 films ang kanilang gawin.
At kasama na ito sa mga producer ng Mamasapano na ayaw nga lang papangalanan ni Atty. Topacio.
Sa kasalukuyan ay sino-shoot na nila ang Spring in Prague starring Sara Sandeva na isang Czech superstar. Yes, isa siyang sikat na actress sa Czech Republic. Leading man ni Sara si Paolo Gumabao.
At mismong sa nasabing bansa sa Europe sila magso-shoot this February.
Partnership ito ng Borracho Films and Philippine government kaya talagang malaking project ang Spring In Prague.
Love story ito dahil maraming Czech women pala ang nai-in love sa mga lalaking Pinoy. At doon iikot ang kuwento ng pelikula.
Anyway, binanggit din ni Atty. Topacio na marami pa silang mga naka-line up na pelikula at inulit niya na malabo silang mabangkarote dahil nga marami silang investor.
Ice, handa na sa becoming... sa Cebu
Eight years din palang hindi nagkaroon ng major concert sa Cebu si Ice Sequerra.
Naalala niyang ang huli ay ang back-to-back concert pa nila ni Jake Zyrus.
“I’m very excited to go to Cebu because the last time I did a major concert was in 2014 pa. It was back-to-back with Jake Zyrus. I love the Cebuanos kasi sobrang appreciative sila for good music. Pero discerning sila kaya medyo nakakakaba rin,” aniya sa Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert na mapapanood ng mga Cebuano pagkatapos ng sold-out run in The Theatre at Solaire Resort last October.
“Becoming Ice is very personal to me because it’s really like a documentary of my years in the business but with live concert elements…kakaiba talaga,” kuwento pa ni Ice sa gagawin niyang encore for music fans to be held at the Pacific Grand Ballroom, Waterfront Cebu Hotel and Casino in Cebu City on Feb. 18, 2023.
Ang Becoming Ice rin ang marka ng pagbabalik ng multi-platinum artist after a 10-year hiatus from doing major solo concerts.
Ang tagumpay nito last October ang nag-inspire sa kanilang kumpanya ng misis niyang si Liza Diño na magkaroon ito ng repeat in other venues across the country, beginning with the Queen City of the South, Cebu City.
Ang iba pang venues ay magkakaroon ng announcement soon.
Ang kumpanya nila ni former FDCP chairperson, ang Fire and Ice Media and Productions, ang producer ng concert ni Ice na kakatapos lang manalo sa Aliw Awards last year, kung saan nanalo ang mismong concert ng Best Stage Direction For a Concert at Best Musical Direction for Ivan Lee Espinosa.
Maririnig sa Becoming Ice ang mga kantang naging bahagi ng career ni Ice from child actor to singer-composer, to director – kumabaga soundtrack of his journey, which also became a part of the soundtrack of many Filipinos’ lives, kasama na ang phenomenal hits na Pagdating ng Panahon and Anong Nangyari sa Ating Dalawa.
Ang kanyang35-year career in the movies and music, and now also in media production ay pinatibay ang kanyang pangalan bilang isang simbolo ng pop culture at pagiging icon.
“For the concert in Cebu, may mga mababago ng konti sa show. It’s gonna be a different experience from the one I did in Manila. Mas localized sya. I will be performing with Cebuano musicians and artists,” pangako niya sa kanyang concert doon.