^

Pang Movies

Mag-jowang RK at Jane, matitindi ang sex scenes sa The Swing

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mag-jowang RK at Jane, matitindi ang sex scenes sa The Swing
Jane Oineza

Nagliliyab ang mga eksena ni Jane Oineza sa pelikulang The Swing with her real-life partner RK Bagatsing na Switzerland pa nag-shooting.

Grabehan daw talaga.

“Sobra kasi in a way pagkatapos ng ginawa namin buong araw na sex scenes nag-uusap kami pareho and dun sa usapan namin nare-realize namin ito na ‘yung pinaka-wild na ginawa namin sa career namin. And siya mas naano pa nga ako sa kanya kasi siya ‘yung babae kahit na she’s my girlfriend, the more na inaalagaan ko siya on set na ‘okay ba sa ‘yo ‘to.’ Kasi syempre ang pelikula habangbuhay ‘yan eh. So as a boyfriend din I look out for her,” pagtatapat ng aktor sa kanilang ginawa sa pelikula.

Bukod sa mga Pinoy actor, may mga kaeksena sila rito na mga Swiss actor.

“Nag-audition din sila kela Direk RC (delos Reyes) and handpicked din sila. And actually isa sa mga request ko from the start na sana ma-meet namin sila kahit via video call ganyan para beforehand but pagdating naman doon meron kaming one day to just get to know them kasi para hindi sa mismong set na magkakilala.”

Gaano ka-wild?

“Ako nga na-shock after namin gawin eh,” dagdag pa ng Kapamilya actor.

“I think for me it’s my first time na ganito ka-daring, ganito ka-all out. Kahit for the both of us,” pag-amin naman ni Jane.

Pero nag-worry ba kayo na later baka makita ng magiging anak n’yo?

“Hindi naman kasi we put so much love into our craft so I guess kung magkakaanak kami someday maiintindihan nila ‘yun,” komento ni RK sa ibang level ang ginawa nilang mga eksena sa The Swing na kinunan sa napakagandang lugar ng Switzerland base sa trailer na napanood namin.

Ito ay isang adult love story ng tungkol mag-asawang sinububukang isalba ang kanilang relasyon sa kakaibang pamamaraan.

Kung ano man ang kanilang madidiskubre sa pag-ibig at buhay mag-asawa, ay siyang susi sa kasagutan ng kanilang relasyon.

“At saka hindi naman nga siya basta about sex lang. It’s all part of the story and then ‘yung kada eksena na may mga sex scene hindi lang basta-basta. May drive for character kung bakit ‘yun ‘yung ginawa nila, bakit nila ginagawa ‘yun and even the lighting, the shots lahat with taste and art. Kaya nga sinasabi ko lagi napakasuwerte ko na si Direk RC ‘yung nag-handle kasi all out kami na ganito and tastefully made eh,” paliwanag naman ni Jane sa isa sa tatlong pelikula sa pagsanib-puwersa ng Star Magic at ng game-changer film outfit, Mavx Productions.

“Saka ngayon we’re competing against streaming platforms. We’re still competing against other than Netflix, Amazon, Disney so kumbaga in a way napipilitan tayong mag-elevate ng mga ginagawa natin. So we’re proud to say na nakita namin ‘yung ginawa namin and I can’t wait na mapanood ng mga tao ito,” dagdag na paliwanag ni RK.

Wala pang playdate ang The Swing pero sa mga sinehan ito mapapanood.

JANE OINEZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with