LJ, successful sa pagpo-produce ng mini concerts sa Amerika!

A friend who has just came from New York, at friend din ni Kapuso actress LJ Reyes, ang nagkuwento sa amin na mukha raw wala nang balak bumalik ni LJ Reyes sa bansa dahil successful naman ito ngayon sa pagpu-produce ng mini-concerts doon.
May iba pang work si LJ doon. Masaya raw si LJ, kasama ang mommy nito at mga anak na sina Aki at Summer.
Bea, special request si Dennis
It’s a dream come true pala for Kapuso actress Bea Alonzo na muling makatambal si Kapuso Drama King Dennis Trillo. After two decades pa pala sila unang nagtambal, na pareho pa silang bagong artista noon ng ABS-CBN. Inamin niya na ni-request din niyang sana ay makatambal din niya si Dennis ngayong nasa GMA Network na siya. At natupad ang wish niya nang nagkaroon na ng official announcement ang GMA na ang next project ni Bea, after ng K-drama adaptation na Start-Up PH ay ang drama anthology titled Love Before Sunrise, na isang collaboration ng GMA Network with Viu Philippines.
Ang series ay second collaboration na ng GMA at Viu, una nilang ipapalabas ang The Write One, na first ever project naman together nina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Wala pang announcement kung sinu-sino ang bubuo sa cast at kung sino ang magdidirek ng Love Before Sunrise.
Definitely, tatapusin muna ni Dennis ang taping ng Maria Clara at Ibarra.
Barbie, dinedma!
Tiyak na magri-react ang fans ni Barbie Forteza, tulad din ng netizens na sumusubaybay gabi-gabi sa historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra na hindi pinansin ng Philippine TV & Film Updates ang acting niya bilang ang Gen Z na si Klay. Napili nila kasi ang performances sa serye nina Dennis Trillo as Best Actor, Julie Anne San Jose as Best Supporting Actress, Andrea Torres as Best Guest on Cameo Performance in a TV Series, Zig Dulay as Best Directing for a TV Series plus other technical awards, kaya hindi nila matanggap na hindi napansin ang mahusay na pagganap ni Barbie.
- Latest