Xian, nagsalita sa ‘engagement’ nila ni Kim sa Paris!

Xian Lim at Kim Chiu

Sa mga nag-akalang nag-propose na si Xian Lim sa girlfriend na si Kim Chiu nang magbakasyon sila sa Paris nitong Holiday season, nagsalita na ang aktor na wala namang nagaganap pang engagement.

“Wala po, wala pong naganap na ganu’n,” ang natatawang sabi ni Xian nang makatsikahan namin sa mediacon ng pelikulang Hello, Universe kung saan ay siya ang direktor.

Maraming fans kasi ang humula na may proposal nang nangyari dahil na rin sa posts nila na parang nagpapahiwatig na engaged na sila.

“Si Kim, mahilig siya talaga sa mga nice-looking pictures, mga tawag niya du’n, mga IG-worthy pictures, so ako, nadadamay na rin ako. Natututo na ako kung paano nga ba umanggulo nang tama. Ang tawag yata du’n, parang ideal worthy boyfriend,” paliwanag ni Xi.

When asked kung wala pa ba talaga silang plano na magpakasal, aniya ay work daw muna talaga ang kanilang priority.

“Trabaho muna. I think, very important na alam na namin sa isa’t isa na mahal namin ang isa’t isa. I think it’s all that matters. I understand na maraming nag-aabang but sa amin, we’re very focused on work. Darating at darating naman ‘yan,” he said.

Sa ngayon ay enjoy na enjoy nga si Xian sa pagiging aktor and director at the same time. Noon pa ay matagal na niyang pangarap ang maging direktor at ngayon ay nagkakaroon na ito ng katuparan. Sa Hello, Universe! ay masusubukan naman ang galing ni Xian sa pagdidirek ng comedy film.

Pinagbibidahan ito nina Janno Gibbs at Anjo Yllana, kasama sina Sunshine Guimary, Gene Padilla at Benjie Paras. Ipalalabas na ito sa mga sinehan ngayong Jan. 27, 2023.

Anjo, nagsisi nung iwan si Janno

Sa Hello, Universe presscon pa rin, napa-throwback si Anjo sa panahong kinailangan niyang gumawa ng isang mabigat na desisyon noon sa kanyang career na aniya, hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya.

“Until now, nararamdaman ko, when I think about it, I can still feel pain ‘pag naalala ko ‘yung sitwasyon na ‘yun. Na there was a time, I had to make a choice.

“Because of the channel wars of ABS-CBN and GMA 7, I was forced to leave Janno sa Ober Da Bakod,” kwento ni Anjo.

“After one year or two years, nami-miss ko na ‘yung samahan namin, nami-miss ko na ‘yung kami ang namamayagpag noon sa GMA 7. I felt sadness. And it took me years,” dagdag niya.

Hanggang ngayon nga raw ay may mga ‘what if’ moments pa siya na tinatanong niya ang sarili kung what if hindi siya umalis.

“Kasi, parang that ended all the parang ‘yung chemistry namin, success, samahan, for a long, long time. Kasi, na-stuck ako sa Channel 2, na-stuck ako sa Regal, hindi na ako nakakagawa ng movie sa Viva,” sey niya.

Itinuturing daw niya isa sa low points ng kanyang buhay ang panahong iyon.

“I regret na naiwan ko si Janno kasi ang dami pa namin sanang nagawa or pinagsamahan,” aniya.

Good thing, nanatili naman daw ang closeness nila kahit hindi na sila nagkakatrabaho that time, at hanggang ngayon.

Matatandaang naging parte si Anjo ng Palibhasa Lalake at kung hindi kami nagkakamali, ito ang ipinagpalit niya sa Ober Da Bakod. 

 

Show comments