^

Pang Movies

Voltes V PH, susubukang ibenta sa abroad   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Voltes V PH, susubukang ibenta sa abroad            
Voltes V

By March, 2023, mapapanood na ang Voltes V: Legacy sa GMA Primetime, at tiyak na ikatutuwa ito ng matagal nang naghihintay sa ganitong TV presentations. Pero may mga nag-comment din dahil ang tagal-tagal na raw itong ibinabalita, pero hindi pa rin daw ipinalalabas. Pero nang magkaroon ito ng showing ng mega teaser last Dec. 31, sa GMA New Year’s countdown, umabot na ito sa milyung-milyong viewers. Kaya nagpasalamat si Director Mark Reyes sa netizens.

“Here, pinagkagastusan ng network, pinayagan ng Japan, my blessing ng Japan, pinaghirapan namin, hindi namin minadali. And here we are, we’re working on it for almost four years so give us a chance to see what we’ve done. So hopefully it’s not only the Philippines that’s the market of this but globally. We market this to the world na wow, proudly 100 percent Filipino made,” bahagi ng pahayag ng mga nasa likod ng Voltes V.

Faith, tatlo ang show sa isang araw!

Isang napakasuwerteng Kapuso actress si Faith da Silva. Sa loob ng isang araw, tatlong beses siyang napapanood ng netizens, sa tatlong GMA shows, kaya labis-labis ang pasasalamat niya. Pumasok na siya muling co-host sa morning variety show na TikToClock with Pokwang, Rabiya Mateo at Kuya Kim Atienza. Then, isa siya sa mga co-host din ng longest-running noontime show na Eat Bulaga, from 12nn to 2:30 p.m. Then at 3:25 p.m., napapanood naman siya sa afternoon prime na Unica Hija with Kate Valdes. Kaya happy ang mga kapwa Kapuso niya sa blessings na dumarating sa kanya.

Luv Is, papalitan ang Mano Po

Finale episode tonight, Jan. 13, ng Mano Po: The Flower Sisters nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian at Beauty Gonzalez, pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra sa GMA 7.

Kaya excited ang followers ng Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay dahil ang kanilang first primetime series na Luv Is: Caught in His Arms, based on a well-followed Wattpad Webtoon series, ang papalit dito. Sa serye, Sofia plays a poor girl, si Florence, na gustong makapag-aral sa Manila, pero nagkasakit ang kanyang ama, at ang natutunan niyang pagluluto sa carinderia nila sa probinsiya ang ginamit niyang daan para makapasok bilang cook sa Ferrel mansion na may five boys, one is Allen Ansay as Nero.

Mapapanood ang serye simula sa Monday, Jan. 16, at 8:50 p.m.

vuukle comment

FAITH DA SILVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with