Kim Domingo, nag-trending sa ipinadalang food truck sa idol na K-actor!
Laman ngayon si Kim Domingo ng mga Korean online news at maging dito sa atin. Pinag-uusapan din siya sa social media dahil sa kanyang ginawa sa iniidolong sikat na South Korean singer/actor at miyembro ng Astro boy band na si Cha Eun Woo.
Well, nagpadala lang naman ng food truck si Kim sa set ng ginagawang drama ngayon ni Cha Eun Woo na A Good Day to be a Dog sa SK.
Kung tutuusin ay kayang-kaya naman talaga ni Kim ‘yun kung halaga lang ng food truck ang pag-uusapan. Pero ‘yung effort to achieve that since sa ibang bansa ‘yun plus artista pa siya, ‘yun ang talagang kahanga-hanga.
Ang pagpapadala ng food truck sa filming site ng isang artista ay common nang ginagawa ng fans and kapwa-celebrities din to show their love and support for the star.
Kung isa kang fan, isa ito sa ultimate fangirling moment talaga – ang makapagpadala ng food truck sa iniidolo mo.
Sa official Twitter page ng Astro ay nag-post ang Korean heartthrob ng pasasalamat kay Kim. Makikita sa larawan na nasa harap siya ng food truck na ipinadala ng aktres.
“I ate the delicious coffee, tea, and so-tteok so-tteok, and croffle really well. Thank you so much,” ang caption ni CEW.
“Teacher Seowon Chaiting!!!,” dagdag pa niya.
Seowon ang pangalan ni Eun Woo sa ginagawa niyang drama kung saan ay teacher ang kanyang ginagampanan papel.
Nakalagay naman sa banner na ipinadala ni Kim ang mensaheng “Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! Chaiting! – from Philippines, Kim Domingo.”
Nag-trending agad si Kim sa Twitter dahil nito at maging ang fans ni CEW ay nagpasalamat sa kanya. Pati ang mga Korean online news and portals ay ibinalita ang kanyang ginawa.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Kim ang kanyang suporta para sa kanyang idol.
Last year, nang magkaroon ng fan meeting dito sa bansa ang nasabing K-pop superstar ay talagang pumila nang bonggang-bongga si Kim para makabili ng tiket.
Nagpadala rin siya ng rice wreath sa isang fan meeting ni Eun Woo sa South Korea noong September 2022.
Last November 2022 naman ay nagpa-private screening siya para sa Korean film ni Cha Eun Woo na Decibel.
Kim, naiyak nang makita ang eiffel tower
Isa sa highlights ng Paris trip nina Kim Chiu at Xian Lim nitong nakaraang Holiday season ay ang makita up-close ang Eiffel Tower.
Amazed na amazed nga si Kim nang makita ito at halos hindi siya makapaniwala.
Ibinahagi ni Kim sa kanyang travel vlog sa YouTube ang kanilang Paris trip at syempre, kasama na rito ang pagpunta nila sa Eiffel Tower.
“Sobrang ganda! Grabe, nakakaiyak!” bulalas niya habang nasa harap ng Eiffel Tower.
“So pretty!”
Natawa kami nang sabihin niyang maganda pala sa gabi ang Eiffel Tower at ‘pag umaga raw ay parang tower lang ng ABS-CBN.
Ang nasabing trip ay first Holiday travel ng KimXi nitong pandemic kaya naman masayang-masaya sila.
“Two years ng pandemic really made us think lalo na sa akin. Time is really important na hindi mo na maibabalik kung anuman ang nagawa mo before or hindi mo na masasabi kung anuman ang nasabi mo dati dahil hindi mo alam ang mangyayari next day, bukas, next week, next month, next year.
“So, time is really running and time will not really wait for you. Ikaw talaga ang gagawa ng mga bagay na gusto mo sa buhay mo,” ani Kim.
- Latest