Umalis noong isa araw ang buong pamilya ni Alden Richards kasama si Mama Tenten papunta ng Japan. Doon sila nag-decide na mag-after Christmas break at nang mapahinga naman si Alden na napakarami ng trabaho noong 2022.
Bongga siya dahil talagang naglalaan siya ng panahon para sa kanyang pamilya. ‘Yung buong-buo ang oras niya para sa mga ito.
Saka kailangan talaga niya na mapahinga naman kahit sandali, hindi puwedeng all work baka magkaroon siya ng work fatigue at hindi na ma-enjoy ang showbiz.
Masyado kasi siyang dedicated kaya kung minsan nakakalimutan niya na kailangan din ang konting pahinga.
Hindi lang naman si Alden ang kailangan ang ganitong rest. ‘Wag nating abuhin kumbaga ang katawan natin.
Kaya nga ako promise ko magiging mabait na ako at hindi kakain ng mga bawal.
Hahaha. Kakaloka.
Pero ang sarap naman kasing kumain. Imagine nauubos ko sa isang upuan ang 30 pieces na Kiat-kiat.
Ang tamis naman kasi. Kaya nga sabi ng doktor ko parang ginawa kong popcorn ang kiat-kiat. Wala kasing buto ang kiat-kiat kaya hindi mo namamalayan ganun na pala karami ang nakain mo.
Bongga, naging popcorn ang kiat-kiat na kilala ring sa tawag na ‘clementine.’