Ten days later ng ika-7th death anniversary ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno last Jan. 8 ay gaganapin ang taunang pagbibigay-pugay sa iba’t ibang mga personalidad bilang inductee Walk of Fame in Eastwood City na sinimulan ni Kuya Germs at ipinagpatuloy ng kanyang unico hijo na si Federico Moreno as president sa tulong ng Megaworld big bosses at iba pang bumubuo ng foundation.
Dalawa sa National Artists na sina Tony Mabesa (posthumous) – theater at Ricky Lee (films) ang kasama sa inductees this year na kinabibilangan din nina Hidilyn Diaz (sports), Mario Dumaual (TV entertainment News), Maja Salvador (TV), Janet Basco (music) at iba pa. Ito’y gaganapin sa Eastwood City in Quezon City sa darating na Jan. 18 (Wednesday) ng hapon to be hosted by Jackie Lou Blanco.
Spellbound, tuloy na ang pagpapalabas sa March
Dahil sa malaking tagumpay ng pelikulang suspense-thriller-horror movie na Deleter na pinagbidahan ni Nadine Lustre at pinamahalaan ng young filmmaker na si Mikhail Red under Viva Films, tiyak nang may follow-up project ang dalawa at malamang na ito’y mapasama sa unang Metro Manila Film Summer Festival na magsisimula on April 8 at magtatapos on April 18, 2023.
Ang pelikulang Deleter na itinuturing surprise hit sa nagtapos na Metro Manila Film Festival at extended sa mahigit 100 cinemas nationwide.
Gusto ng big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, Jr. na si Direk Mikhail pa rin ang magdirek sa kauna-unahang pelikulang isasali ng kumpaya sa 1st Metro Manila Summer Film Festival pero hindi nito sinabi kung si Nadine pa rin ang bida although may follow-up project ang singer-actress sa kanyang home studio na kamuntik niyang layasan.
Maraming plano ang Viva sa taong 2023 at kasama na rito ang launching ng Viva Prime, panibagong streaming app kung saan ipapalabas ang non-sexy movies na maiiwan naman sa Vivamax.
Ngayong Jan. 29, 2023 ang grand launch ng Viva Prime na ang unang pelikulang ipapalabas ay ang kauna-unahang hit movie ng Viva after the pandemic in 2022, ang Maid in Malacañang na dinirek ng controversial director na si Darryl Yap.
Ayon na rin mismo kay Boss Vic, ang Vivamax ay magiging dedicated sa adult movies (sexy films) habang sa Viva Prime naman mapapanood ang mga pelikula na iba ang tema.
There are also movies earmarked for theatrical release at pambuena-mano this year ang pelikulang pinagtatambalan ng longtime sweethearts na sina Kim Molina at Jerald Napoles with Gab Lagman, ang Girlfriend Na Puwede Na na pinamahalaan ni Benedict Mique. Ito’y isang romantic-comedy movie na nakatakdang ipalabas ngayong Jan. 18.
Matagal na ring tapos ang Viva adaptation ng Korean movie na Spellbound na pinagbibidahan ni Bela Padilla at nakatakdang ipalabas sa buwan ng March this year.
Sa rami ng platform na pagpapalabasan ng Viva materials, tuluy-tuloy ang kumpanya sa paggawa ng iba’t ibang content mula sa pelikula, series, concerts at iba pa.