Understanding parents ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, nang makita ng netizens ang Instagram post ni Carmina, during the triple date nila ni Zoren, kasama ang kambal na si Mavy with girlfriend Kyline Alcantara and Cassy with Darren Espanto, nang mag-celebrate sila ng birthday ng kambal. Hindi na nga lihim ang relasyon nina Mavy at Kyline, at kahit hindi pa umaamin sina Cassy at Darren, sabi nga, their actions speak louder than words.
Tumanggap din ng birthday greetings ang kambal mula sa kanilang fans.
Happy and thankful naman ang kambal na first time nilang nakasama ngayon ang kanilang Nanay Carmina sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap. May special participation ang twins na sa story ay kambal din sila at si Cassy ay kailangang magkaroon ng kidney transplant, pero dahil wala raw silang pambayad sa ospital at wala rin siyang kidney donor, mas gusto niyang lumabas na lamang ng hospital. Pero hindi pumayag ang kakambal at siya raw ang magdu-donate ng kidney niya para mailigtas ang kapatid.
Mapapayag din ba si Cassy sa kidney transplant at magtagumpay kaya si Dr. Analyn Santos (Jillian Ward) sa pag-opera sa kanya? Napapanood ang AKNP Mondays to Saturdays, 2:30 p.m. sa GMA 7.
Maria... hataw sa award
Congratulations! Isa na namang award ang tatanggapin ng top-rating historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra. After nitong tanggapin ang Best Supporting Actor award ni Juancho Triviño, sumunod namang tumanggap ng Best Director award si Direk Zig Dulay, ngayon naman tatanggapin ng serye ang Most Outstanding Teleserye at the 5th Gawad LaSallianeta Awards.
Sila ang nanalo among the nominees in the category, tulad ng 2 Good 2 Be True, Mars Ravelo’s Darna and the Broken Marriage Vow of the Kapamilya Channel.
Ang Maria Clara at Ibarra ay napapanood gabi-gabi, 8 p.m., after 24 Oras sa GMA 7.
Lolong, inaayos ang season 2
Kasalukuyang inihahanda ng GMA Public Affairs ang part 2 ng action-drama series na Lolong na nagtatampok kay Action-Drama Prince Ruru Madrid. Pero may magandang balita na ang 2022 most watched TV show in the Philippines, is set to make history again as it airs in Indonesia this January.
Nangyari ito through the Kapuso Network’s content distribution arm GMA Worldwide, the hit series will be seen on Indonesia’s free-to-air TV network ANTV as Dakila.