Balik sa pag-arte sa teleserye si Judy Ann Santos.
Sa kanyang Instagram account, pinost ni Juday ang isang video clip ng paghahanda niya para sa isang shoot.
Sey pa niya sa video: “Back to work. Shooting for a series.”
Noong 2019 pa huling nagbida sa teleseryeng Starla si Juday. Naging guest star din siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020, hindi tumanggap ng teleserye si Juday pero nag-host siya ng public service/documentary program na Paano Kita Mapasasalamatan?
Pinost naman ni Juday ang ilang highlights ng buhay niya kasama ang pamilya at mga kaibigan sa nagdaang taon.
“Looking back to 2022 with a grateful heart.. to finally be able to spend time with family and friends.. celebrate our childrens bdays.. travel.. create more core memories to look back to.. and the chance to share our blessings,” caption pa ni Juday.
Anak nila Solenn, nag-bonding na!
Ni-reveal na ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang official name ng kanilang second baby daughter na sinilang noong Dec. 14, 2022.
Napili bilang pangalan ay Maëlys Lionel Bolzico.
Ang second name ay galing sa sikat na Argentine football player na si Lionel Messi, whose team won the 2022 World Cup. Paborito kasi ni Nico ang naturang player dahil pareho silang taga-Argentina.
Samantala ay nakipag-bonding na ang eldest daughter nila na si Thylane or Tili sa baby sister nito habang pina-breastfeed ito ni Solenn. Nag-turn three years old na si Tili noong nakaraang Jan. 1.
Nakunan ni Nico ng video ang first meeting ni Tili at ni Baby Maëlys. Nasabi pa ni Tili ay “I love you, Baby Maëlys!”
Marvel actor Chris Evans, nilantad na ang karelasyon
Ginawang Instagram official na ng Marvel actor at Sexiest Man Alive na si Chris Evans ang relasyon nito sa girlfriend na si Alba Baptista.
Noong nakaraang Jan. 6, nag-post si Chris ng video compilation ng moments nila ni Alba noong nakaraang taon. May caption pa ito na: “A look back at 2022.
The 45-second compilation included eight different occasions na magkasama ang dalawa. November 2022 noong lumabas ang balitang nagde-date ang dalawa. May photo pa sila na holding hands habang namamasyal sa Central Park in New York City.
Nasabi ng Captain America star sa People interview na ang hanap na niya sa edad niya ngayon na 41 ay ang magkaroon na ng pamilya.
“That’s absolutely something I want: wife, kids, building a family. When you read about most of the best artists, whether it’s actors, painters, writers, most of them admit it wasn’t the work they made that they are most proud of, it was about the relationships; the families they created, the love they found, the love they shared.”