Bela, walang pagod magbiyahe sa London at ‘Pinas
London-based Filipina-British actress, writer, director at film producer Bela Padilla does not mind na magbalik-balik ng London at Pilipinas kapag meron siyang magandang proyektong gagawin dito.
It was in November 2021 nang magdesisyon ang actress-writer na sa London na mag-base. Sa Europe rin naka-base ang kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay na nakilala niya in 2018 habang ginagawa nila ni Carlo Aquino ang pelikulang Meet Me in St. Gallen na dinirek ni Irene Villamor.
It was only in October 2020 nagsimulang mag-share si Bela ng sweet photos nila ng kanyang nobyo.
Speaking of Bela, ang kanyang pelikulang Spellbound, ang local adaptation ng Korean movie of same title ay ilalabas na ng Viva Films sa mga sinehan sa buwan ng March this year. Ito’y ibinalita sa amin ng big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario.
Malamang na bumalik ng Pilipinas si Bela para sa promotion ng Spellbound na pinagtatambalan nila ni Marco Gumabao na pinamahalaan ni Thop Navarro under Viva Films.
The movie was originally intended for the former loveteam in reel and real life na sina James Reid at Nadine Lustre pero nabago ito nang kumalas si James sa pangangalaga ng Viva na sinundan ni Nadine kaya sila nagkaroon ng legal battle with the studio na gumawa sa kanilang dalawa.
AJ, kinabog ni Christine
Maituturing na Vivamax Princess ang sexy star na si Christine Bermas dahil nakagawa ito ng pitong pelikula nung nakaraang taon tulad ng Siklo, Sisid, Relyebo, Moonlight Butterfly, Island of Desire, Lampas Langit at Scorpio Nights.
She was introduced in the movie Silab in 2021.
Although kasisimula pa lamang ng taon ay may bagong movie na naman si Christine for Vivamax na siya ang pangunahing bituin, ang Nightbird na dinirek ni Lawrence Fajardo. Tampok din sa nasabing sexy action-thriller movie sina Mark Anthony Fernandez, Sid Lucero, Aaron Villaflor, Felix Roco with Chloe Jenna, Alexa Ocampo, at Ali Khatibi na palabas sa Vivamax streaming app ngayong Jan. 13, 2023.
Kung si AJ Raval ang tinaguriang Vivamax Queen, mukhang nakaabang sa kanyang trono this year sina Angeli Khang at Christine Bermas.
Samantala, kailangang bumawi si AJ sa taong ito dahil katakut-takot na intriga ang kanyang kinaharap noong nakalipas na taon.
- Latest