Carlo may pakiusap sa ex, hindi nakita ang anak noong pasko at bagong taon; thankful sa relasyon nila ni Charlie Dizon!

Carlo at Charlie

Dedma si Carlo Aquino sa mga bashing / judgment na binabato sa kanya since naghiwalay sila ng ina ng anak niyang si Mithi, si Trina Candaza. “Well, ever since naman ganun na ‘yung tingin nila sa akin, eh, ‘di ba. Hindi mawawala ‘yung bashing talaga lalo na ‘pag masaya ‘yung isang tao. Para sa akin, as long as intact ‘yung inner circle ko at hindi nanggagaling ‘yung hate at ba­shing sa mga nagmamahal sa akin, bakit ko papansinin?,” umpisa niya nang makausap namin kahapon after the presscon of I Love Lizzy, isa sa tatlong collab movie ng Star Magic at MavX Productions – ang dalawa pa ay ang Unravelled starring Gerald Anderson and Kylie Padilla and The Swing nina RK Bagatsing and Jane Oineza. Leading lady ni Carlo sa I Love Lizzy si Barbie Imperial.

Ang mas apektado at emosyonal siya ay dahil hindi niya nakikita at nakakasama ang anak. “Ang nakakaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November.”

Nag-reach out ka ba kay Trina?

“Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her, ‘di ba. Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kelan ko puwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganun po, eh. Wala pong sagot. Siyem­pre importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy. Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin, ng mga kailangan nila.”

Nag-prepare ka ba ng gift for her?

“Every time naman talaga magbibigay ako ‘yung alam kong kailangan niya, ‘yung alam kong hindi kalabisan para sa edad niya,” sagot niya tungkol sa tanong namin kung nagkaroon siya ng chance na magbigay ng Christmas gift sa anak.

Pero hindi kayo co-parenting ni Trina?

“At this point nga parang… ‘yung mga first few months, parang ganun ‘yung setup.”

Ano ‘yung naging problema?

“Ayokong mag-assume, ayokong magsalita kasi hindi ko talaga alam ‘yung nangyayari. Kasi minsan okay, ipapasundo, ‘yung ganyan, sana talaga alam ko. Kasi ‘yun nga, at this point, ‘di ba, dapat ‘yung discussion natin is about co-parenting, kung paano natin papalakihin si Mithi individually? Kailangan niya ng tatay, kailangan niya ng nanay. At the end of the day, sa lahat ng mga lumalabas, ‘yung magsa-suffer, sino? ‘Pag nagkaisip na siya.”

Anong message mo sa anak mo?

“Nung nakikita ko pa po si Mithi, binilhan ko siya ng cellphone. Na every time na magkikita kami, magvi-video kami ng mga ginagawa namin para eventually makikita niya ‘yon na mahal na mahal ko siya.”

May message ka ba kay Trina?

“Ever since na nakukuha niyang blessings, I wish her well. Lagi kong pinagdarasal na physically and mentally she’s in better place. Kasi araw-araw niyang kasama ‘yung anak ko, ‘di ba. Sino ba naman magwi-wish ng something bad sa nanay ng anak niya, ‘di ba. ‘Yun lang, at this point sana lang mahiram ko si Mithi. ‘Yun lang naman po.”

‘Pag nagri-reach out ka ba kay Trina, hindi siya sumasagot?

“Ngayon, hindi po. At saka ayaw ko sanang magsalita. Ayokong ma-headline na pabaya o hindi pinapahiram. Ayoko ‘yung mga ganun. Ayoko ng away, actually.”

Kamusta naman ‘yung puso mo ngayon?

“Sabi ko nga, ‘yung heart ko and ‘yung mind ko is at peace. Mahirap ma-achieve ‘yon sa nangyayari sa paligid, sa pandemic. Ngayon may peace of mind ako at masaya ‘yung puso ko.”

Kumusta kayo ni Charlie Dizon?

I’m getting to know Charlie (April). And sobrang positive nung pasok niya sa buhay ko. And very thankful ako. Kasi naiilang ako, ‘di ba, ‘pag maraming tao nahihiya ako, pero ‘pag kasama ko si April (Charlie), parang feeling ko belong ako,” pagkumpirma ng aktor sa namamagitan sa kanila ng actress na si Charlie na una niyang nakasama sa teleseryeng A Soldier’s Heart.

“Nagkakilala kami doon, tapos nag-US tour. Dun na mas nakilala ko siya. Pag-uwi, ayun na,” aniya pa sa interview after the presscon.

At inamin niya rin na kasama niya si Charlie at ang kanyang pamilya na nag-Bagong Taon sa La Union kung saan nga nakunan silang holding hands.

Nagso-shooting sila ngayon ng pelikulang Love on a Budget na almost 50% pa lang ng naso-shoot.

Anong plano mo for this year?

“’Yun lang po ‘yung Hunt, ‘yung Japan shoot ko, tapos ‘yung Love on a Budget with Charlie.”

Anyway, ang ganda ng trailer ng I Love Lizzy at ang lakas ng chemistry nila ni Barbie na mapapanood sa mga sinehan starting Jan. 18.

Di nakatiis... Noli, babalik sa TV Patrol!

Muling mapapanood ng sambayanang Pilipino si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol upang maghatid ng mga nagbabagang balita simula sa Lunes (Enero 9).

Ihahatid ni Kabayan ang pinakahuling balita sa selebrasyon ng ‘Nazareno 2023’ nang live mula sa Quirino Grandstand. “Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” ayon kay De Castro sa programa niyang Kabayan sa TeleRadyo nitong Biyernes (Enero 6).

Makakasama ni Kabayan sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng balita sa TV Patrol. Patuloy rin siyang mapapanood sa kanyang public service show na Kabayan at ng morning newscast na TeleRadyo Balita kasama si Joyce Balancio sa TeleRadyo.

Napapanood ang TV Patrol mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m., habang napapanood naman ang TV Patrol Weekend tuwing Sabado at Linggo, 6 p.m. kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez. 

Maaalalang nagpaalam si Kabayan Noli sa TV Patrol nang mag-decide siyang kumandidato sanang senador. Pero nagbago ang isip niya, umatras at ‘di nagtagal ay bumalik sa TeleRadyo. At ngayon, balik-TV Patrol na rin.

Show comments