Cristina Gonzales, may korona na rin!

Cristina

Puwedeng nang isama ng aktres at former Tacloban mayor na si Cristina Gonzalez-Romualdez sa kanyang credentials ang pagiging isang beauty title holder.

Kinoronahan si Kring-Kring bilang Noble Queen of the Universe 2022 noong nakaraang December 29 sa Tokyo Prince Hotel sa Japan.

Ito ang first time na sumali ng 52-year old actress-politician sa isang beauty pageant at sinuwerteng mauwi niya ang korona.

Bukod sa title, na-proclaim din si Kring-Kring na Ambassador of Humanity.

Kinabog lang naman ni Kring-Kring ang maraming candidates, kabilang na ang dalawang re-representatives ng Japan na sina Yuko Boguchi (Noble Queen Globe, Ambassador Queen of Health and Wellness) at Jenny Miglioretto (Noble Queen Tourism, Ambassador Queen of Integrity) na at USA na si Marjorie Renner (Noble Queen of the Universe LTD, Ambassador Queen of Goodwill, Best in Active Wear)

Ang dalawa pang representative ng Pilipinas ay nakatanggap din ng special title at awards: Sheralene Shirata (Noble Queen Earth, Ambassador Queen of Environment and Best in National Costume) and Leira Buan (Noble Queen International, Ambassador Queen of Respect and Best in Long Gown).

Ang unang nagwaging Noble Queen of the Universe ay si Patricia Javier noong 2019.

The Clash Contestant, pasok sa El Bimbo!

Napalitan ng saya ang lungkot ng The Clash Season 1 contestant na si Anthony Rosaldo nang mapasama siya sa musical na Ang Huling El Bimbo.

Gagampanan ng Kapuso singer ang role na young Hector sa naturang musical na ire-restage sa April 2023.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Anthony ang kanyang pasasalamat dahil sa naging “plot twist” ng buhay noong nakaraang taon.

Noong 2022, pinagluksa ng singer ang pagpanaw ng kanyang nakakatandang kapatid na si Andy, ngayon ay natupad daw ang matagal na niyang wish na maging part ng isang magandang Philippine musical.

“Salamat Lord God for this blessing! Na-cast ako as one of the leads ng Ang Huling El Bimbo The Musical 2023! I’ve been praying for a break that would excite and teach me new things and eto na nga sya!”

Unang nai-stage ang musical na Ang Huling El Bimbo noong 2018 sa Newport Performing Arts Theater in Pasay City, at na-feature rito ang 40 songs ng Eraserheads. Kuwento ito ng isang barkada at ang buhay nila bilang mga estudyante sa isang university.

Ang original cast nito ay kinabibilangan nila Gab Pangilinan, Gian Magdangal, Bullet Dumas, Paw Castillo, Topper Fabregas, Menchu Lauchengco-Yulo, Jon Santos, OJ Mariano, Tanya Manalang, Reb Atadero, Bibo Reyes, Sheila Francisco, at marami pang iba.

Prince Harry, wala na sa planong balikan ang royal duties

Sa interview ni Prince Harry with Anderson Cooper sa programang 60 Minutes, sinabi nito na wala na raw posibilidad na balikan niya in the future ang kanyang royal duties at maging full-time member ng royal family.

Naging public nga ang dapat ay internal problem ni Harry sa kanyang pamilya. Nakadagdag pa raw dito ay ang paglabas ng docu-series na Harry & Meghan sa Netflix.

Ayon sa Duke of Sussex, wala raw siyang balak na isapubliko ang problema nila ni Meghan with the royal family. Pero wala raw siyang choice dahil wala raw nakikinig sa kanila at wala silang makuhang proteksyon.

Sey ni Harry: “Every single time I tried to do it privately, there have been briefings and leakings and planting of stories against me and my wife. You know, the family motto is ‘never complain, never explain’… It’s just a motto and it doesn’t really… hold.

“Through leaks, they will speak or have a conversation with the correspondent and that correspondent will literally be spoon-fed information and write the story, and at the bottom of it they will say they reached out to Buckingham Palace for comment, but the whole story is Buckingham Palace commenting. So when we’re being told for the last six years we can’t put a statement out to protect you, but you do it for other members of the family, there becomes a point when silence is betrayal.”

Sa kabilang banda, gusto naman ni Harry na magkaroon na maayos na reconciliation with his father, King Charles at sa nakakatandang kapatid na si Prince William. Pero mukhang malabo raw itong mangyari. “It never needed to be this way. I would like to get my father back. I would like to have my brother back, but they have shown absolutely no willingness to reconcile,” diin pa ni Harry.

Show comments