Kris umayos ang hitsura, si Vice Gov. Leviste ang kasama noong New Year

Mark Leviste at Kris Aquino

Mas maaliwalas ang aura ngayon ni Kris Aquino kung saan kasama niyang nag-New Year si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Nag-post si Vice Governor Leviste ng photos kasama si Kris at mga anak nitong sina Joshua and Bimby.

Kahit sa solo photo na kuha ni VG Leviste, maayos na ang hitsura ni Kris.

Parang mas nag-gain na rin ng weight at nakaka-recover na sa kanyang sakit.

“Spending the first day of the year with the Queen,” ang caption ng pulitiko sa series of photos nila ni Kris na ilang buwan na ring nagpapagamot sa Amerika.

Kaya tinanong ko siya via Viber kung gaano niya katagal nakasama si Kris : “I spent time with Ms Kris on New Year’s day. I brought Orchids for her and food for her sons and staff. We ate together then I left after 4 hours,” ang buong reply ng pulitiko tungkol sa detalye ng pagbisita niya kay Kris.

Nang tanungin ko kung same status pa rin sila ni Kris, friends? Yellow heart lang ang sagot ni Vice Gov.

Noon pa sila nali-link, 2019 pa.

Pero mismong ang pulitiko ang nagsabi na friends lang sila ni Kris at naging confidante lang daw siya nito noong may problema ito sa ex din na pulitiko pero wala talagang love angle ang naging closeness nila nang makausap namin si Mr. Leviste last year.

Last May 2021 din nang tanungin niya kung may boyfriend na si Cristine Reyes na gusto raw niyang makilala dahil crush niya ito.

Anyway, maaalala ring 2019 pa lang na isyu na kina Mark and Kris pero sinabi noon ni Kris na napaso na siya sa elected officials.

Although meron siya noong dialogue na ‘getting to know him better’ pero may statement din siya na :  “It’s not healthy to entertain someone when you know in your heart that feelings for another haven’t been totally extinguished. Repairing what’s broken is a job only for the one who still grieves because the new person had nothing to do with what is your personal pain from the past. Unless I resolve that, I have no business letting someone new into my life,” pahayag ni Kris noon na may pinagdaraanan sa ex.

Sa IG nag-umpisa ang tungkol sa kanila. Pero sinabi ni Kris na “Hindi ako nabobola sa IG comment. Words mean very little when not backed by action.”

Baka ito na nga ang perfect timing para sa kanila.

Show comments