Sam at Catriona, hinihintay na ring ma-engage!
Ang 2018 Miss Universe, singer-host and celebrity endorser Catriona Gray is celebrating her 29th birthday this coming Friday, Jan. 6, na siya ring kaarawan ng Megastar na si Sharon Cuneta who is turning 57 on that day.
The Fil-Australian former beauty queen is currently with her boyfriend, singer-actor Sam Milby visiting her folks in Australia where they also spent the Christmas holidays.
Sam confirmed his relationship with 2018 Miss Universe during his 36th birthday celebration on May 23, 2020.
The singer-actor is turning 39 on May 23 kaya marami na ang naghihintay sa kanyang proposal sa kanyang kasintahan .
Kung Fil-Australian si Catriona, Fil-Am naman si Sam na isa sa ipinakilalang brand ambassador ng Beautederm nung isang taon.
Although na-link noon si Sam kina Toni Gonzaga at Anne Curtis, si Catriona bale ang kanyang pinakamatagal na celebrity girlfriend na kinu-consider niyang ‘the one.’
Carlo at Charlie, sweet sa isa’t isa
Is there something special going on sa dalawang lead stars ng pelikulang Love On A Budget ng Black Sheep Productions na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon?
Ito ngayon ang pinag-uusapan ng marami matapos makita ang dalawa na magkasama at extra sweet kasama ang ilang female friends ng Kapamilya young actress.
Carlo has a two-year-old daughter na si Mithi sa kanyang ex-girlfriend na si Trina Candaza. Although hiwalay na ang dalawa, the former couple are co-parenting their child.
Si Charlie naman ay na-link sandali sa dating Hashtags member, dancer and actor na si Jameson Blake pero hindi ito nagkaroon ng confirmation mula sa dalawa.
Carlo is 37 at 26 naman si Charlie.
Bago sina Trina at Charlie, Carlo was in a long relationship with a non-showbiz girl gayundin kina Angelica Panganiban and Maja Salvador.
Viva Prime, pangungunahan ng MIM…
Nagtapos ang taong 2022 na waging-wagi ang Viva Group of Companies na pinamumunuan ng Chairman-CEO na si Boss Vic del Rosario, Jr.
May dalawa siyang top-grossing films sa tumatakbong 2022 Metro Manila Film Festival na magtatapos ngayong Sabado, Jan. 7, 2023, ang Deleter na pinangunahan ni Nadine Lustre at dinirek ni Mikhail Red at ang comedy movie na Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi na pinamahalaan naman ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.
Ang Viva rin ang may hawak ng box office record ng pelikulang Maid in Malacañang, the very first movie na ipinalabas sa mga sinehan after the pandemic nung isang taon. Labas pa ito at pagratsada ng kanilang streaming app, ang Vivamax na nagpapalabas ng sunud-sunod na adult films na meron nang mahigit 5-million subscribers.
As if these are not enough, napaka-successful din ng Viva Foods business na pinamamahalaan ng isa sa mga anak ni Boss Vic na si VR del Rosario at sila ang local franchisor ng mga kilalang brand sa ibang bansa tulad ng Japanese restaurant na Botejyu (with 50 branches), Wing Zone, Paper Moon, Greyhound Restaurant (from Taiwan) with four branches at iba pa.
Ayon kay Boss Vic, nakatakda umano silang magbukas ng 55 more branches sa loob ng taong ito (2023).
Ngayong Jan. 29, 2023 ay nakatakdang i-launch ng Viva ang panibago nilang streaming app, ang Viva Prime kung saan ipapalabas ang prime movies ng Viva (for general patronage) na pangungunahan ng Maid in Malacanañg na tumabo sa mga sinehan hindi lamang nationwide kundi worldwide.
Sa Viva Prime rin ipapalabas ang university series na The Rain in España na sinulat ni Gwy Saludes at pinamamahalaan ni Theodoro Boborol at kung saan tampok na mga bituin sina Marco Gallo, Heaven Peralejo, Bea Binene at marami pang iba.
Kung matutuloy ang kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival sa buwan ng Abril, tiyak na sasali rin ang Viva at malamang ito’y pamahalaan din ni Mikhail Red na inaasahang magiging busy sa bakuran ng Viva simula sa taong ito dahil sa malaking tagumpay ng pelikulang Deleter na tinampukan din nina McCoy de Leon, Louise de los Reyes at Jeffrey Hidalgo.
Nakatakda ring ipalabas on Feb. 22, 2023 ang sequel sa pelikulang Maid in Malacanang, ang Martyr or Murderer na pinamahalaan pa rin ng controversial director na si Darryl Yap kung saan tampok pa rin na mga bituin sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez at iba pa at kung saan din kasama sina Marco Gumabao, Jerome Ponce, Isko Moreno at iba pa.
Nakatakda ring ipalabas sa buwan ng Marso ang Philippine adaptation ng Korean movie na Spellbound na pinagbibidahan ng London-based actress na si Bela Padilla.
- Latest