Part na talaga ng Atayde family si Zanjoe Marrudo.
Ipinakita ng aktres na si Sylvia Sanchez na andun ito sa kanilang annual Atayde get-together.
“After 3 years, we’re back for the annual Atayde first day mass and get-together. It was nice eating, catching up, watching the Alfie Almario cup and playing BINGO after 3 years of not being together as a family.
“I’m happy that things seem to be going back to normal. Wishing everyone good health, peace and happiness in the year to come. Have a happy and healthy 2023, everyone!”
Recently lang naging public ang relasyon ni Zanjoe kay Ria Atayde.
Sinasabi nga nilang jackpot si Zanjoe kay Ria.
Cherry Pie, may hanash sa nangyari sa NAIA
Kung kailan naman may revenge travel saka naman nagkaroon ng technical glitches ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na naging dahilan ng massive delay sa mga aalis at darating noong January 1.
Wala ngang nakalipad noong New Year sa air space ng Pilipinas dahil diumano sa power outrage.
Maraming nawindang dahil sa pangyayari.
At kasama rito si Cherry Pie Picache na galing Japan kung saan nagbakasyon sila ng anak niyang si Nio. ‘Di nila kasama sa nasabing bakasyon si Edu Manzano na jowa ng mahusay na aktres.
“Expectedly our flight got cancelled. Sad part,no assistance of what so ever was given by our airline provider, and the airfare’s as good as a long haul flight.Only a message to rebook, earliest was Jan5, travel fund or refund,receiving after 2mos?!! #nochoicetayo?”
Samantala, nag-offer si Sir Manny Pangilinan ng ‘colocation’ sa DOTR / CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines).
“If our Group could be of any help to DOTr/CAAP, we’d be happy to participate - colocation of 2nd, even 3rd, redundancies in our nationwide data centers, required connectivities - fiber, satellite, wireless - robust even redundant power supply protection etc.Let’s all support.”
Isa rin kasi siya sa naapektuhan ng technical glitches sa NAIA.
Massive kasi talaga ang epekto ng nasabing technical issues.
Carla, hawak ang boobs sa Siargao
‘Si Wil Dasovich ba ang photographer niyan?’ Tanong ng ilang followers ni Carla Humpries sa kanyang topless Instagram post.
Nasa Siargao nga si Carla at sa kanyang post ay wala siyang top habang hawak-hawak ang boobs.
“Happy New Year everyone!
“Hope you are all having a great one. New chapter, a new day, a new exciting beginning,” sabay pasasalamat sa kanyang followes sa YouTube channel niya.
Sinasabing ang kilalang vlogger nga ang karelasyon ngayon ni Carla.
Dolly de Leon, may pag-asa sa Oscars?!
Naniniwala rin si Liza Dino, former chairperson ng Film Development Council of the Philippines na may chance si Dolly de Leon na ma-nominate ring Best Supporting Actress sa Academy Awards o Oscars.
Nakaalis na ng bansa si Ms. Dolly para sa gaganaping Golden Globe Awards sa January 11, 2023 (American time) kung saan malakas ang laban niya sa Best Supporting actress category para sa pelikulang Triangle of Sadness.
Pero walang balita kung sinong designer ang magpo-provide ng gown para kay Dolly o kung may glam team siya.
Kilala sa pagiging simple si Dolly kaya naman maraming nagsa-suggest na sana’y damitan din ito ng local designer para mas mapansin siya paglakad sa red carpet.
Fresh pa sa kanyang panalo sa Los Angeles Film Critics Association Awards, tuloy ang mga papuring natatanggap ng Pinay actress matapos ang mahusay niyang performance bilang si Abigail sa pelikulang Triangle of Sadness.
Wish ng lahat na manalo si Dolly sa Golden Globe at ma-nominate sa Oscars para mas mapansin pa ang Pinoy artists sa Hollywood.