^

Pang Movies

Jillian naghahanda sa grand debut!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jillian naghahanda sa grand debut!          
Jillian

Plantsado na pala ang coming debut ni Kapuso young actress Jillian Ward on February 23, 2023.  Pero ayaw pang i-divulge ng bida ng GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay na Pangarap kung ano ang theme ng kanyang debut. “Gusto ko po lamang to have fun at ma-invite ang lahat ng mga mahal ko sa buhay at mga kasamahan ko sa industriya,” wika ni Jillian sa 24 Oras. “Nagpapasalamat din po ako sa mga sumusubaybay sa akin sa aming GMA Afternoon prime series  and I’m happy working with veteran actors like Sir Richard Yap, Sir Dominic Ochoa and Tita Carmina Villarroel, sila po ang natatanungan ko kung tama ang ginagawa ko.  I’m nervous but super grateful and excited, mahirap po kasing mag-memorize ng medical terms.”

Ang tinutukoy ni Jillian ay ang challenging role niya bilang isang young genius doctor na nakaramdam din ng panghahamak dahil ayaw siyang paniwalaan na isa na siyang doctor.

Since extended pa ang Abot-Kamay Na Pangarap, may sorpresa kaya ang show sa debut ni Jillian?

Trailer ng V5, umani ng 1M                                                   

 Umani ng million viewers ang megatrailer ng #Voltes5Legacy nang ipalabas ito sa Kapuso Countdown to 2023 last December 31 sa GMA Network.  Na-excite din ang viewers nang makita sa trailer si Dennis Trillo na siya palang gumaganap sa role ni Ned Armstrong at anak niya ang Armstrong brothers na ginampanan nina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Radson Flores at Raphael Landicho.

Napanood din sa trailer ang iba pang cast na sina Carla Abellana, Ysabel Ortega, Martin del Rosario, Epy Quizon, at Albert Martinez.

Nothing to worry ang fans ni Dennis, dahil hindi ito mag-overlap sa top-rating historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra, dahil sa kanilang timeslot papalit ang Voltes V: Legacy.

Mga lumang segment ng EB, ibabalik ngayong taon

Live na ang New Year presentation ng Eat Bulaga kahapon, January 2, na dinaluhan nina Tito Sen, Vic Sotto, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo and Maine Mendoza.  Wala si Joey de Leon dahil on vacation siya abroad. 

Happy ang viewers ng EB, dahil matagal na pala nilang request kung pwedeng ibalik ang mga dating segment ng longest-running afternoon show.  Kaya ngayon ay muling napapanood ang segment nilang Pinoy Henyo, ang Bulagaan segment ni Miss Dizon (Rizza Mae Dizon) at balik din daw ang Juan for All- All for Juan segment sa bara-barangay.

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with