Karelasyon ni Tuesday Vargas dinapuan ng kakaibang sakit, may dalangin sa diyos
Tanging hiling ng komedyanteng si Tuesday Vargas ay ang paggaling ng kanyang partner na si Joseph Puducay na dumaranas ngayon ng malubhang karamdaman.
Naka-confine sa ospital si Joseph mula pa raw noong Pasko at kakaibang sakit ang dumapo rito dahil buong katawan daw nito ay nakakaramdam ng sakit. Sa Facebook ni Joseph ibinahagi nito ang kanyang karamdaman at ang dalangin sa Diyos na gumaling siya para sa kanyang pamilya.
“Basically having these syndromes (NCS, MALS, SMAS, MTS) wreak havoc throughout my body. It causes compressions and makes alterations in my gastrointestinal system, circulatory system, immune system, nervous system, lymphatic system, well almost all of my bodily systems. The past months I know my health is deteriorating because of these syndromes. My immune system is weakening, I developed autoimmune disorders, my digestive system is failing, fatigue is becoming more and more prominent and my nutrient absorption is compromised. It is apparent that my overall health is taking a nose dive.”
Noong nakaraang buwan ay nagpatingin na sa iba’t ibang mga ospital at nakapagpatingin na sa iba’t ibang medical practitioner pero hindi raw mahanapan ng sagot ang kanyang sakit. Hanggang sa makatanggap si Joseph ng kasagutan: “Behind all this Lord, is you. The chance meetings of people that can help, the medical findings that inch their way towards clarity on my condition, the love I feel from friends and family- This is your handiwork. I surrender myself to you. Hold me in your power Lord and heal me. I still have a long way to go but with you in my life and all the other good things going for me, I know I will come out of this victorious. Your son, Joseph.”
Pinost naman ni Tuesday sa kanyang Instagram ang ilang photos nila ni Joseph na may caption na: “Mula noong unang araw na nangkakilala tayo ay alam ko na agad na may rason bakit nag krus ang landas natin. Gaano man ka kumplikado ang sitwasyon ay inilaan talaga ng Dyos na maging bahagi tayo ng buhay ng isa’t isa. Napaka buti mo at naiintindihan ko na bakit ka dinala ng tadhana sa akin, at ako sa iyo. Mahirap man ang pinag dadaanan natin sa ngayon ay lalampasan natin ito nang mag kasama. Hinding hindi ako susuko gumaling ka lang. Kapit mahal, may pag asa at may sagot. Nandito ako at hinding hindi kita iiwan @josephpuducay.”
Christian Bautista, dalawang dekada na
Hindi makapaniwala si Christian Baustista na dalawang dekada na siya sa showbiz at bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya, may pinaghahandaan itong anniversary concert ngayong January.
Nagpapasalamat ang tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer na maayos at malakas ang kanyang pangangatawan para magawa niyang ma-celebrate ang 20 years sa industriya. “We’re gonna obviously reminisce through my music in the past 20 years. Hopefully some of my friends from the past 20 years in the industry will be able to go as well para we can connect and reconnect as well. Most importantly it’s a thanksgiving also for the fans,” pang-anyaya pa ni Christian sa kanyang The Way You Look At Me Thanksgiving Concert sa January 28 sa Samsung Performing Arts Theater in Makati City.
Sa February naman ay magkakaroon siya ng Valentine show sa Indonesia kung saan marami pa rin siyang mga tagahanga.
Magsisimula na rin sa taong ito ang The Clash Season 5 sa GMA.
Nagsimula makilala bilang singer si Christian noong 2003 dahil sa pagsali niya sa singing competition ng ABS-CBN na Star In A Million. Kahit hindi siya ang naging winner, kinontrata siya ng Warner Music Philippines at tumanggap ng multi-platinum records ang kanyang self-titled debut album. Naging hit ang single niyang The Way You Look At Me, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang Asian countries tulad ng Indonesia, Singapore, Malaysia and Thailand. Kaya siya nabigyan ng titulong Asia’s Romantic Balladeer.
Wish naman ng netizens at fans ni Christian ay ang magkaroon na sila ng anak ng misis niyang si Kat Ramnani. Four years na raw kasi silang kasal at panahon na raw na magkaroon na sila ng baby.
Masked singer, 1 dozen ang anak
Bago natapos ang 2022, sinilang ang pang-12th baby ng The Masked Singer host na si Nick Cannon.
Ang kanyang ika-12th child ay pangalawang anak niya sa girlfriend na si Alyssa Scott. Noong December 2021, pumanaw ang anak nilang si Zen na five months old pa lang. Nabigyan daw agad ng kapalit ang namatay nilang anak.
Isang dosena na nga ang anak ni Cannon, kasama rito ang twins niyang sina Moroccan and Monroe from ex-wife Mariah Carey.
- Latest