Sa wakas, nakita na rin ng netizens and followers ni Heart Evangelista ang matagal nang inaabangang post niya at ito ay ang larawang magkasama sila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.
Nag-post si Heart last Dec. 31 ng family photo nila kung saan ay kasama ang kambal na anak ni Sen. Chiz at nilagyan niya ito ng maikling caption na “happy 2023.”
May larawan din na magka-holding hands sila ni Sen. Chiz na halatang masayang-masaya.
Sa ngayon ay mahigit kalahating milyon na ang ‘likes’ nito at sandamakmak na comments. Ang daming na-happy para sa kanila at halatang na-miss nilang makitang magkasama ang mag-asawa.
Pati ang kapwa-celebrities ni Heart ay natuwa sa kanyang post at binati sila ng “Happy New Year.”
Pero may mga pumuna na mukhang malungkot daw si Heart sa photo unlike Chiz na naka-all smile.
“Not sure if you guys are back together because I don’t see Heart happy. It looks like she is just forcing herself to be with him just for their fans. It’s just what I see,” komento ng isang netizen.
“Your eyes dont lie Miss Heart. I still see pain and sadness. Hope for a better 2023,” puna naman ng isa pa.
“Agree ako dyan. Her eyes really dont lie. Simula nung ngkaissue before iba na mata ni heart even sa mga photoshoots nya. People will not see it lalo na ung hnd mrunong tumingin from the heart. Eyes will show the real inside. Thats why i admire heart her beauty is in her eyes..so wag mga nega iba dyan,kailagan ni heart ipakita in public na ok, not for personal dramas..gnyn artista at model. We hide it. But beautiful eyes never lie,” pagsang-ayon naman ng isa pang IG user.
Pero may mga nagtanggol naman kay Heart at sey nila “leave them alone.” May nagsabi ring ang importante ay buo pa rin sila.
Matteo at Sarah, pinakita ang kanilang babies
Ang dami ring kinilig sa post ni Matteo Guidicelli kasama ang asawang si Matteo Guidicelli at ang kanilang “babies.”
Sa larawang in-upload ni Matteo ay makikita silang mag-asawa na karga-karga ang kanilang mga alagang aso.
Caption ng aktor, “happy New Year from the Guidicellis!
“Wishing everyone a BLESSED and HEALTHY 2023 ahead!! This will be amazing!”
May nagkomento na sana raw, next year ay ang first baby na talaga nila ang kanilang hawak sa larawan.