Mga artistang pinoy, nakilala sa abroad sa magbababung taon!  

Bago matapos ang 2022, nagkaroon ng sunud-sunod na pagkilala sa husay ng ating actors and actresses sa iba’t ibang film festivals at television awards abroad.

Patunay lang na hindi puwedeng dedmahin ang husay ng pag-arte ng ating mga artista.

Ang international Pinay actress na si Dolly de Leon ay nagwaging best supporting actress sa Los Angeles Film Critics Association Awards 2022 para sa breakout role niya sa pelikulang Triangle of Sadness. Napanalunan din niya ang Breakthrough Performance Award sa Middleburg Film Festival.
Si Dolly rin ang ang kauna-unahang Filipina actress na makakuha ng best supporting actress nomination sa Golden Globe Awards, 43rd annual London Critics’ Circle Film Awards, Online Association of Female Film Critics, Discussing Film Critic Awards at Satellite Awards.
Humakot naman ng best actor awards sa limang international film festivals si Jeric Gonzales para sa pelikulang Broken Blooms. Napanalunan niya ang best actor sa Saskatchewan International Film Festival in Canada, 17th Harlem International Film Festival in New York, 2022 Mokikho and Tagore International Film Festival both in India, and the Montellupo Fiorentino International Film Festival in Italy.

Ang co-star naman ni Jeric sa Broken Blooms na si Therese Malvar ay nagwagi rin ng ilang best actress awards mula sa Mokikho International Film Festival at Saskatchewan International Film Festival.

Nagwagi rin sina Jaclyn Jose at Boobay ng best supporting actress at best supporting actor awards sa Saskatchewan International Film Festival para rin sa Broken Blooms.

Dinaig naman ni Joaquin Domagoso ang kanyang amang si former Manila Mayor Isko Moreno sa pagiging aktor dahil sa tatlong international best actor awards nito mula sa Boden International Film Festival 2022 in Sweden, Five Continents International Film Festival 2022 in Venezuela, at 16th Toronto Film and Script Awards in Toronto, Canada para sa kanyang performance sa pelikulang That Boy In The Dark.

Napanalunan naman ni Belle Mariano ang Outstanding Asian Star Award sa Seoul International Drama Awards para sa series na He’s Into Her. Siya ang kauna-unahang Filipina actress na manalo ng naturang award.
Si Jodi Sta. Maria naman ang naging kauna-unahang Filipina na manalong best actress sa 2022 Asian Academy Creative Awards para sa drama series na The Broken Marriage Vow.

Ang co-star naman ni Jodi sa The Broken Marriage Vow na si Zaijian Jaranilla ay nanalo naman bilang Best Supporting Actor.

Show comments